Followers

Friday, January 16, 2015

Redondo: Movie Marathon

Nag-abang na lang kami sa TV. Tutal nakita na namin kahapon si Pope Francis. Mas maganda pa nga sa telebisyon kasi kahit ang mga kaganapan sa MalacaƱang, sa Manila Cathedral at sa MOA Arena ay napapanuod namin. Nakaka-inspire at nakakatayo pa naman ng balahibo kahit di personal. Iyak nga ng iyak sina Mommy at Dindee sa mga nakaka-touch na pangyayari. Ramdam talaga namin ang kabanalan ng Santo Papa. Mahal na mahal siya ng mga Pilipino dahil mahal na mahal niya rin ang mga Pinoy. Ako nga ay naluluha din. Ayoko lang ipakita sa kanila. He he.

Tapos, naisingit din namin ang manuod ng pelikula. Nakaisang movie lang kami sa DVD kasi inaabangan namin ang Family Encounter with the Families sa MOA. Sana nasama kami sa naimbitahan. Pero, naisip ko, imposible. Kailan lang naman kasi kami nabuo uli. Pero, di na bale. Ang mahalaga, buo na kami ngayon. Blessing na rin na maituturing.

After ng balita o after na makauwi ni Lolo Kiko sa kanyang tinutuluyan, pinagpatuloy namin ang movie marathon. Nakadalawang pelikula pa kami bago kami nagsitulog.

Enjoy much! Lalo na’t may popcorn na niluto si Daddy. Parang sine lang.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...