Followers

Sunday, January 25, 2015

Redondo: Takas

Kagabi, habang tumutugtog ako, lumabas sina Boss Rey at Rona mula sa opisina. Bumeso pa muna si Rona kay Boss at kumaway bago tumalikod at tumingin sa akin. Nakangiti siya. Gusto kung bumaba para habulin siya, pero nagpalakpakan na ang mga customer. Unang kanta ko pa lamang iyon kaya hindi ako pwedeng tumigil. Shit! Napamura ako sa isip ko. Iniinis ako ng gago kong employer.

Kaya, pagkatapos kong mag-perform, sumugod agad ako  sa office ni Boss Rey. Sarkastiko kong sinabi. “Sana ipnakiusap mo man lang sa akin si Rona para nasakal ko na siya.”

Tumawa muna siya. “Relax! Sayang ka, bata!”

“Oo nga naman! Sayang ako..Kukuin ko na ang bayad mo sa akin.”

“Hindi ka ba muna iinom? Inom tayo, gusto mo? Libre..” Maharot na ang tono niya. Lumalabas na ang tunay niyang anyo. Tiningnan pa ako mula mukha hanggang gitna.

“Natuto na ako.”

Andami pa niyang sinabi bago niya binigay sa akin ang isanglibo. At pagkaabot, tumalikod agad ako.

Kanina, Linggo ng umaga, nagsimba kaming apat. Ipinagdasal ko ang mga kaluluwa nina Boss Rey at Rona. Nagpasalamat din ako sa katatagan, sa talent at sa mga biyayang ibinigay Niya sa akin. Hiningi ko rin ang patuloy na biyaya sa aming lahat at pati na rin ang Kanyang kapatawaran.

Pag-uwi namin ay agad ko namang hinarap ang paggigitara. Naghanda ako ng tatlong kanta ng Matchbox-Twenty para sa performances ko mamayang gabi sa MusicStram.

Bago umalis papunta sa bar, nagtext si Riz. Nakatakas daw si Leandro sa DSWD. Kahit hindi ko siya na-reply-an, alam ko na naaalarma siya sa nangyari. Malakas ang loob at marahas ang dati niyang boyfriend. Kahit ano ay gagawin nito---lalo na sa ngalan ng pag-ibig niya kay Riz.

Natigilan din ako ng ilang sandali dahil sa pagtakas ni Leandro. Sana mahuli na siya agad.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...