Inulan ang Metro Manila ngayon. Nataon pa sa misa ni Pope
Francis sa Quirino Grandstand, gayundin sa UST. Hindi tuloy kami pinayagan ni
Mommy na pumunta doon. Nakuntento na lang ako sa panunuod.
Di bale mas na-enjoy ko sa telebisyon. Hindi na ako
naulanan, nakita at napakinggan ko pa ang bawat detalye.
“O, Red, hindi ka na makatingin sa amin.” pabirong-puna ni
Dindee sa akin, habang nakatutok ako sa TV. Nagti-testimony noon ang isang
dating batang lansangan, na nakaranas ng kahirapan, pang-aabuso at karahasan sa
kalsada, lalo pa nang nagtanong na ag isa pang batang babae.
Umiiyak na kasi ako. Grabeng luha ko. Hindi ko napigilang
maawa sa sinapit ng teenager.
“Nakikinig ako! Wag kang maingay!” Pinilit kong hindi mahalata
na umiiyak na ako. Pero, gumaralgal ang boses ko.
Ang bilis ni Dindee. Nahawakan niya ang ulo ko at sinilip
ang mga mata ko. “Umiiyak ka na e!” Tumawa siya. Nakisabay na rin sina Mommy at
Daddy.
“Iyakin pala ang boy friend ko.” Pang-aasar pa ni Dindee,
habang pinpunasan ang luha ko.
Hindi ko na rin naman naitago kaya yumakap ako sa kanya. “Ang
suwerte ko pa rin pala..”
“Oo naman, nak! Kahit naman nagkaganun ang buhay natin, hindi ka naman namin
pababayaan ng Daddy mo. Di ba, Dad?”
“Oo, Mommy! Red, tama ang Mommy mo. Isa pa, hindi lang naman ang
napaiyak, ako din.”
Nagtawanan kaming lahat.
Inabangan talaga namin ang misa ni Pope Francis sa Quirino
Grandstand. Umidlip lang kami. Tapos, alas 2:30 hanggang alas-siyete ng gabi ay
tumutok na uli kami sa mga kaganapan.
Grabe! Umula’t bumagyo, tuloy ang misa. Isang makasaysayang
pangyayari ang naganap. Ang mga Pilipino ay tunay na na-bless sa pagbisita ng
Santo Papa. Manhid na lang ang hindi na-touched sa kanya.
Sana, dahil dito ay tuluyan nang magbago ang sistema ng
gobyerno. Sana may magandang pagbabago para sa lahat.
No comments:
Post a Comment