Followers

Saturday, January 3, 2015

My Wattpad Lover: Friends

"Ah, friends lang kayo? Ang sweet mo naman pala talaga. Minsan lang kayo nagkakilala ay nag-date na kayo." sabi ni Angela nang tumawag siya sa akin. Nakauwi na ako nun nang sagutin ko ang tawag niya. 

"Huwag ka ng magalit. Sorry na. Fan lang siya. Nakasama ko siya sa isang writing contest."

"So what?! Is that how you treat all your fans?'

"A..e..hindi."

"So, fan mo na lang din ako for now on!" galit niyang sabi.

"What do you mean, Gelay? Are you breaking up with me?"

"Ano sa tingin mo?"

"No, wag! Hindi ko kaya. Sorry na.."

"Let's just be friends, Zillion. Siguro, it's better na mag-focus muna tayo sa career natin. Hindi mo pa rin kayang magseryoso. We're both young.."

"No..Angela. I need you. Please, huwag mong gawin 'to.'' Nalulungkot na ako. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang kapalaluan ko. 

"Hello, gel? Gel?!" Binaba na niya ang cellphone niya. Nang tinawagan ko, hindi na nag-ri-ring.


Wala akong nagawa ng gabing iyon, kundi magmukmok sa kuwarto, hanggang sa mapansin ako ni Daddy.

"Son, why are you not updating your stories? Are you sick?" Hinipo pa niya ang leeg ko. "Wala kang sinat, Zil. Bakit?"

"Wala po, Dad. It's that just I'm not in a mood of writing. Sorry po."

"Okay! I think I should leave you alone.. Maluluto na ang dinner. Maya-maya ay bumaba ka na para di ka na sunduin ng Mommy mo.'

"Yes, Dad!'


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...