Sa wakas, nakita ko nang masaya ang mukha ni Mam Dina.
Kaninang umaga kasi ay hinatid siya ng isang lalaking kaedaran niya. Disente
itong tingnan. ANg hula ko ay isang empleyado sa isang opisina.
Hindi man nagtagal sa classroom ay nagtagal naman ang ngiti
sa mga labi ni Mam.
Ayos! Naka-move-on na ang dating kasintahan ni Daddy. Siguro
ay tanggap niya na rin ang pagkawala ng baby nila.
Salamat sa Diyos!
Kampante na rin ako na hindi na muling mabubuo ang relasyon
nila ni Daddy. Tiwala akong magiging masaya na ang aking pamilya.
Kaya nang nasa hapag-kainan na kami kanina, ikinuwento k
okay Dindee. Si Dindee ang kunwaring kausap ko. Naisip ko nab aka ayaw nilang
pag-usapan ang tungkol kay Mam Dina. Pero, nagulat ako nang mag-react si Mommy.
“Mabuti naman kung ganun. Sana maging maligaya na siya..” turan
ni Mommy. Hindi ko naman iyon nakitaan ng bitterness o anumang negative na
emosyon.
“Sana nga po, Tita!” second the motion ng gf ko.
“Oo naman. Bata pa siya. Matatagpuan niya rin ang taong makakasama niya
habang buhay.” Si Daddy naman ang nagsalita.
“Tama po. Sana..learned a lesson na lang po.”sabi ko naman.
Nakatingin ako kay Dad.
Ngumiti lang si Daddy. Tapos, nagkatinginan kami ni Dindee.
Ang hula ko, medyo nalungkot siya nang malamang may manliligaw na sa dati
niyang nobya.
Okay lang. Natural siguro iyon. Pasasaan ba’t makaka-moveon
din siya.
No comments:
Post a Comment