Kagabi sa bar, dumalaw uli si Rona. Pero, hindi na siya
palabas kundi papasok na sa office ni Boss Rey. Hindi ko na siya pinansin.
Hindi rin naman kami nagkita sa mata. At nang matapos ang performances ko, si Boss
Rey na mismo ang nag-abot sa kin ng bayad. Kaya, umuwi na ako.
Kanina sa school ay kinausap ko si Riz. Galing kasi siya sa
guidance office. Ipinaalam niya doon ang pagtakas ni Redondo.
Medyo natatakot siya kaya pinakalma ko siya. Sabi ko na lagi
lang siyang mag-iingat.
“Roma, huwag mong iwawala ang tingin mo sa bff mo. Alam mo, delikado si
Leandro. Buti sana kung lagi niyo akong kasama.” Ngumiti pa ako.
“Bumanat ka na naman, Red! Huwag ka nga..saksakan kita, eh.”
biro naman ni Rafael.
“Ang yabang mo naman Rafael! Bakit ikaw, kaya mo bang ipagtanggol ang
sarili mo?” singhal naman sa kanya si Roma. Natameme tuloy si Rafael.
Sumali na si Mam Dina sa usapan. Nagbigay din siya ng payo.
Kaya nakita kong medyo nakampante ang damdamin ni Riz. Pero nang ilahad ni Mam
ang honor roll, nalungkot na naman siya. Ako kasi ang top 1. Top 2 lang siya.
“Congratulations to all of you! Remember that, it is guarantee that you
will always on top. Some will soar higher and get your position. So, study
harder. Goodluck. One grading period is left.” Litanya niya.
Sobrang saya naman kanina sa hapag kainan nang ibalita ko
ang place ko sa klase. Nagpabili tuloy si Daddy ng icecream. Treta ko daw sila.
Bumili naman kami ni Dindee.
“Sana, ma-maintain mo, anak! Gift mo na sa amin ni Dad mo ang pagiging
valedictorian mo sa graduation.” Si Mommy, habang kumakain na kami ng
ice cream.
“I’ll do my best po.”
“Kaya nga huwag ka munang mag-syota.” Hirit naman ng gf ko.
Alam ko nagbibiro lang si Dindee kaya nagtawanan kami.
No comments:
Post a Comment