Followers

Saturday, January 24, 2015

Redondo: Bonsai Garden

“Rona pala ang totoong pangalan ni Zora, na kasabwat mo!” sarkastiko at medyo walang-gatol kong sabi kay Boss Rey pagkatapos kong tanggapin ang bayad sa pagtugtog ko kagabi.

“Type mo?” tila nakangiti niyang sagot. Tumalikod na kasi ako agad.

“Maganda siya. Kaya lang, mana sa’yo.” Lumabas agad ako ng pinto at walang-lingon likod na umalis sa bar.

Alam ko, natamaan ko ang demonyo niyang puso. Naka-one point ako!

Kaninang hapon, naki-bonding ako kina Daddy at Mommy. Nasa labas sila.

“Aba, Dad! Dumadami na ang bonsai mo, ah! Ang gaganda!” Kanina ko lang napansin na may nadagdag na naman sa kanyang mga alaga.

“Oo, Red! Binili ko sa isang Facebook group. Ito naman ay freebie lang. Di ko pa sure kong mabubuhay.”

“E, bakit po naka-plastic?’’

Napangiti si Mommy.

“Ang tawag dyan ay ICU.”

“ICU? Yung parang sa hospital?”

“Oo!’’

“Naunawaan ko na po.”

Tumawa si Mommy. “Agad-agad? Talino mo talaga, anak. Ikaw na!”

“Tsamba lang po, Mommy. Uy, Dee, halika dito. Tingnan mo itong bagong bonsai ni Daddy.”


Lumapit naman siya at tiningnan nga nya ang itinuro ko. Ako naman ay umakbay sa kanya. Tsansing lang. Pero, di halata. “Pag nagkabahay ako, maglalagay din ako ng bonsai garden. Malaki! Malakiiiing-malaki!” In-exaggerate ko kaya nagtawanan sila.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...