Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Bagong Taon

Ang taong 2014 na yata ang pinakamasayang taon ko sa loob ng 16 years ko sa mundo. Una, dahil naranasan ko ang tamis ng unang pagmamahal ng isang kasintahan. Pangalawa, nanumbalik ang dati kong sigasig sa pag-aaral. Pangatlo, marami akong achievements like being SSG President at Mr. Campus Personality. Idagdag pa ang pagiging instant compositor ko dahil sa dalawang kanta na nasulat ko at nalapatan ng tono. Pang-apat, nagkaroon ako trabaho dahil sa paggigitra. At panglima, nagkabalikan ang mga magulang ko. Wala nga yatang akong mahihiling pa sa Diyos, maliban sa patuloy na pagbibigay Niya ng biyaya.

Hindi ko na rin dapat ibilang sa kamalasan ang pagkakasaksak sa akin ni Leandro, dahil mas lamang pa rin ang suwerteng dumating sa akin at sa aking pamilya.

Salamat 2014 at Welcome 2015! Handa na akong harapin pa ang mga pagsubok at balakid na darating sa buhay ko.

Hehe

Maiba ako...

Sinalubong namin ang Bagong Taon ng masaya, masagana at payapa. Sa buong buhay ko, iyon na yata ang pinakamasayang countdown kasi kasama ko ang tatlong mahahalagang tao sa buhay ko.

Sagana naman lagi ang pagdiriwang namin ni Daddy, pero ang kasaganahan namin ngayon ay nagdagdagan dahil sa pagmamahalan.

Naramdaman ko ang mainit na pagmamahalan ng mga magulang ko. Natalo pa kami ni Dindee. Hindi tuloy nila napansin na sweet na sweet din kami ni Dindee habang nagvivideoke kami. O dahil baka di lang nila kami pinapansin para hindi rin namin sila kulitin. It's a tie!

Tinamaan din yata kami sa isang bote ng red wine. Ang kukulit na namin. Solve ang Medya Noche bonding naming apat.

Alas-dos na kami natulog. Pero bago iyon, isa munang mainit na halik ang ibinigay ko kay Dindee. Hindi siya nagalit. Shit! Kompleto na ang 2014 experiences ko!


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...