Followers

Thursday, January 22, 2015

Redondo: Libre

Nagpasama ako sa tropa kong si Gio, Nico at Rafael para puntahan ang school ni Zora, I mean ni Rona. Siyempre napapayag ko sila kasi may suhol. Ililibre ko sila ng hamburger, fries at float. Sinabi ko lang na may nakilala ako sa Batangas. May utang sa akin. Hehe

Alam ko naman na suntok sa buwan na matiyempuhan namin si Rona. Hindi ko alam kung pang-umaga siya o panghapon. Basta ang alam ko, estudyante siya sa isang private school.

Alas-dos kami nakarating sa school ni Rona. Wala pang estudyante sa labas. Nang tinanong ko ang security guard kung anong time ang labasan, six daw. Tinanong ko din kung may estudyante silang Rona. Bawal daw sabihin. Duda yata sa akin si Manong.

Leche flan! Wala kaminh napala. Inabot lang kami ng alas-kuwatro sa kahihintay at kakasilip sa gate. Nainip na ang dalawng mokong, kaya umalis na kami. Abunudo tuloy ako. Nanlibre lang ako. Wala namang napala. Tapos, pag-uwi ko pa, sinimangutan pa ako ni Dindee. Two days na raw akong umuuwi ng late.

Nagkuwento naman ako sa kanya kahapon. Accepted niya nang malaman niya na nilibre ko si Gio dahil matataas ang test scores ko. Pero, ngayon, wala na akong valid reason. Sinabi ko na lang uli na nag-snacks uli kami.

"Okay! Fine!" sabi ng gf ko. Pero, tumalikod agad at pumasok sa kuwarto. Nag-sorry agad ako. Natagalan pero napangiti ko naman.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...