Gusto kong kalimutan ang nangyari pero hindi ako makaligtas
sa pag-uusig. Inuusig ako ng konsensiya. Nasaan ang konsensiya ko para kay
Dindee? Hindi ako dapat nakipag-flirt kay Zora. Noon lamang kasi kami nagkita
at nagkasama.
Siguro, kasalanan ko rin ang nangyari sa akin. Kung nababoy
man ang katawan ko ay dahil ito sa kapusukan ko. Nagsisisi ako.
Nasa covered court kami ni Gio. Gusto ko kasing ikuwento sa
kanya ang mga nangyari sa akin, para at least mabawasan ang mga baggage ko sa
puso at isipan. Kaya lang dumating naman si Roma. Wala nga sina Nico at Rafael,
siya naman ang pumalit. Ang masama, hinaharot niya ako. Hindi ako nakapagtimpi,
nasiko ko siya nang niyayakap niya ako. Napalakas pa nga kaya nasaktan siya ng
todo. Mangiyak-ngiyak siyang umalis. Nag-sorry naman ako, pero di siya umimik.
Kung alam niya lang. Na-trauma yata ako sa bading. Ayoko
munang mag lumalapit sa akin na kabaro niya. Nandidiri ako.
Sana malampasan ko ang bagay na ito.
Hindi ko rin naikuwento kay Gio. Naisip ko kasi na baka
hindi niya rin ako maunawaan. Baka lalo lang maging complicated ang lahat.
Sa bahay..
“Red, anong nagyayari sa’yo? Bakit parang lagi kang tulala?”
tanong ni Dindee habang nanunuod kami ng TV.
May hawak akong notebook. Nag-rereview kasi ako. Tama naman siya. Natulala ako.
Sumagi na naman kasi ang mga pangyayari sa amin ng lalaking kaboses ni Boss
Rey.
“W-wala, Dee! Nagme-memorize kasi ako.” palusot ko, sabay
tingin uli sa kuwaderno.
Parang di naman kumbinsido si Dindee. Tumango lang siya pero
nakakunot naman ang noo.
Dumaan ang anghel..
Tapos, maya-maya.. “Miss ko na ang pagtutugtog mo. Hindi ka na
yata naggigitara..”
“Malapit na exam. Ayoko munang tumugtog..” malumbay kong sagot.
“Good! Focus muna sa studies.
Marami pa namang time para kumita.”
Tumango lang ako. Kung alam niya lang. Gusto ko talagang
umiwas kay Boss Rey.
Hindi na naman ako nakatulog agad. Nakinig lang ako kay Papa
Jack. Gusto ko sanang isangguni sa kanya ang problema ko, pero wala akong lakas
ng loob. Saka, parang hindi naman ito pwede sa kanyang programa. Mahalay kasi
at masalimuot. Siguro ay sasarilinin ko na lang at sisikapin kong lutasin
mag-isa. O di kaya’y tatanggapin ko na lang bilang karanasan sa buhay.
No comments:
Post a Comment