Followers

Wednesday, January 14, 2015

Redondo: Delikadesa

Maaga akong umuwi pagkatapos ng klase. Ako ang nauna sa bahay. Kaya umidlip muna ako. Nagising ako sa pagdating ni Dindee.

Sabay kaming nagmeryenda.

"Red, ilang buwan na ba tayo?" tanong ni Dindee.

"September, October, November and December." Binilang ko sa mga daliri ko. "Three months na tayo!" Masaya ko pang sinabi.

"Talaga?! Akalain mo yun!?" 

"Bakit?"

"Wala naman. Kasi dati, crush lang kita. Salamat kay Karryle. Kung di dahil sa kanya..di rin kita makikilala."

"Oo nga e. Tinext nga ako nung isang linggo, wag daw kitang paiiyakin." Ngumiti pa ako.

Nginitian din niya ako. Tapos, bilang may dumaang anghel.

"Masaya ka ba?" Binasag ko ang katahimikan.

Tumitig sa akin si Dindee. "Oo! Masayang-masaya!" 

"Ako din." sabi ko.

"Gaya-gaya!

Then, nauwi sa kulitan ang lahat. Natigil lang nang dumating na si Mommy.

Hindi naman kami natatakot kay Mommy. Siyempre, konting delikadesa lang din. Isa pa, mukhang wala sa mood si Mommy. Andami daw niyang gawain kahit limang araw walang pasok. Magtse-check ng mga tests. Mag-rerecord. Magko-compute ng grades. At kung ano-ano pa daw.

Nagpresinta nga kami ni Dindee na tumulong sa pagtsek. Oo daw. Natuwa na siya. 

Kaya, after dinner at habang nanunuod ng TV, nagtsetsek kaming apat ng mga papel ng mga estudyante niya.  

Na-realized ko, mahirap pala maging guro. Kahit sa bahay ay trabaho pa rin. Hero nga talaga sila. Kapuri-puri.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...