Galit na galit ako ngayon kay Boss. Binaboy niya ako!
Hindi ko alam kong sasabihin ko ba kina Mommy, Daddy at
Dindee ang nangyari sa akin sa Batangas o hindi. Kapag sinabi ko, pahihintuin
nila ako sa pagtugtog sa MusicStram.
Grabe! Niloko ako ni Boss Rey. Planado niya pala ang lahat.
Oo, binayaran nila ako ng ayon sa pinag-usapan namin, pero may kapalit.
Alam ko..tama ako. Hindi ako nagkakamali. Binastos niya ako
habang ako’y lango sa alak.
Paano ko ba ikukuwento? Oo, lasing na lasing ako. Pero, alam
ko..alam kong may..may..Basta!
Pagkatapos ko kasing tumugtog sa birthday party ng kaibigan
ni Boss, hindi pa rin naman ako nakauwi. Kinausap niya ang magulang ko na
kinabukasan na niya ako maihahatid dahil nasa kasayahan pa siya at hindi na rin
siya makakapag-drive pauwi. Pumayag naman sina Mommy at Daddy. Kaya, binigyan
ako ni Boss ng kuwarto at pinagpahinga.
Hindi rin naman ako nakapagpahinga dahil maya-maya lang ay
may kumatok sa pinto ng guest room na iyon. Isang seventeen years old na babae
ang bumungad sa akin. Ipinatatawag daw ako ni Boss Rey. Baka daw gusto kong
maligo sa pool. Ayoko, sabi ko. Pero, pinilit ako ng babae. Since, mahusay
siyang mang-engganyo, nahila niya ako papunta sa party venue. Nakakaakit din
kasi ang ganda niya, lalo’t nakatwo-piece siya at naka-robe lang ng parang fish
net, kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Naalala ko tuloy sa kanya si
Dindee at si Riz. In short, natukso ako.
Lumapit sa amin si Boss Rey at ipinakilala niya kami sa
isa’t isa. Pamangkin daw ng may birthday si Zora.
Pagkatapos niyon, iniwan na kami ni Boss. Si Zora naman ay
kuntodo entertain sa akin. Pinuri niya ang boses at ang husay ko sa pagtugtog.
Sabi pa nga niya, sa kanyang debut this year ay gusto niyang i-hire ang talent
ko. Natuwa naman ako kahit hindi pa pinapayagan si Zora ng kanyang Daddy.
Maya-maya pa, niyaya na ako ni Zora na uminom dahil
nararamdaman namin ang lamig. Kumuha siya ng dalawang baso ng punch sa buffet
table at uminom kami.
Masarap kausap si Zora. May kakaiba siyang karisma. Ang
bawat buka ng kanyang bibig ay parang nakakapaghipnotismo sa akin. Ang sarap
niyang halikan. Ang sarap halikan ng kanyang mapupulang labi. Hindi ko rin
mapigilang sulyapan ang kanyang malulusog niyang dibdib at mapuputing hita
habang nakatayo kami malapit sa pool.
Nakailang baso kami ng punch kaya medyo dumaldal na rin ako.
Akala ko ay wala lang itong tama. Meron pala. Tila uminit ang pakiramdam ko.
Nawala ang pagkaantok ko at nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Gusto ko na
ring lumangoy, gaya ng ginagawa ng ibang bisita.
Napansin yata ni Zora na gusto ko ring mag-swimming kaya
niyaya niya ako.
“Wala akong baong pang-swimming.’’ kako.
“Brief?” Ngumiti pa siya.
Tumawa muna ako. Nagbibiro lang siya, alam ko. “Huwag
na. Masisira ang party ng uncle mo.”
“You have a nice body, Red. Hindi ka dapat mahiya.”
“It’s okay, Zora! Enjoy naman akong manuod na lang sa kanila.
Maya-maya, matutulog na rin ako. Thank you nga pala sa companionship. Nice
meeting you!” Inilahad ko pa ang palad ko para makipag-shake hands.
Nakipagkamay siya sa akin at nag-welcome pero nalungkot siyang
bigla.
“Why, Zora?” Sensitive pa rin ako kahit medyo umiikot na ang
paningin ko.
“Pag natulog ka, who do you think here ang makakausap ko?”
Tumingin ako sa palibot. Oo nga. Wala nga siyang kalevel ng
edad. Ako lang.
“So, what do you want? Gusto mo bang dito lang ako, habang naliligo
ka?” tanong ko.
“No!”
“E, ano?”
“Gusto ko..tayong dalawa! Please? I’ll ask Uncle or Tito Rey. Baka may extra silang
trunks. If you want..”
Nag-isip muna ako saglit. “Okay!” Gusto ko naman
kasi talagang maligo. Nainggit kasi ako sa night swimmimg nina Dindee noong
isang gabi.
Nag-yehey pa si Zora at agad na lumapit kina Boss Rey.
Parang nahiya tuloy ako. Pinanghiram pa ako ng swimming trunks. Bagong-bago pa.
Weew!
To make the story short..nakapag-swimming ako. Kasama ko siyempre si Zora. Nagtinginan sa amin ang
mga bisita. Nakakahiya tuloy kina Boss at sa may birthday. Pero, nag-thumbs up
pa sila nang napatinginan ako sa kanila. It means, pabor sila sa trip namin.
Sumigaw pa nga ni Boss Rey sa amin ng “Enjoy, Red at Zora!”
Bukas ko na itutuloy
ang kuwento. Pagod na ang kamay ko. Saka, kailangan ko na rin kasing matulog
dahil first Monday na ng 2015 bukas. Balik-eskuwela na. Kailangan ko ding
i-relax ang sarili ko at mag-move-on sa nangyari. Siguro ay kayo na lang ang
makakaalam ng buong pangyayari. Ayokong matigil sa paggigitara. Siguro ay
magiging maingat na lang ako sa susunod. Magiging bahagi na lang ito ng aking
buhay.
Habang sinusulat ko
ito, nakapagdesisyon na akona ilihim ito kay Dindee at sa mga magulang ko. Siguro
ay nagkakamali lang ako ng akala. Ayoko din kasing malaman ni Dindee na
nagtaksil ako sa kanya sa loob ng isang gabi. Ayokong magalit siya sa akin o
maghiwalay kami. Mahal na mahal ko siya.
No comments:
Post a Comment