Followers

Friday, January 2, 2015

Double Trouble 31

DENNIS' POV

Ang bilis ng araw, rarampa na si Denise.

"Bitbitin mo ang mga `yan!" pasinghal na utos sa akin ng maganda kong kapatid.

"Oo na, Ms. Barangay 2019!" Diniinan ko pa ang barangay. "Relax ka lang, baka mahalata nina Mama na ayaw mong mag-makeup." Imbes na mainis ako, natatawa pa akong sumunod. Paano kasi, parang hindi siya si Denise. Kuntodo makeup kasi. Ngayon lang yata nadikitan ng pampaganda ang mukha niya kaya asiwang-asiwa. Ang sarap tuloy asarin.

"Mama, o, si Kuya, ako pa ang pabibitbitin ng mga gamit ko!" sumbong niya.

"Dennis, ano ba `yan? Nangungulit ka na naman. Sige na, una na kayo do'n. Susunod na lang kami ng Papa n'yo."

Tinawanan ko lang nang tinawanan si Denise.

"Tumigil ka na nga riyan! Pukpukin kita ng takong ko, e! Nakakabuwisit ka na, a!"

"Oops! Masakit `yan! Baka mawalan ka ng guwapong kuya!"

"Yak! Kadir-dir ka! Guwapo ka ba? Bakla ka naman, e!"

"Tomboy ka naman!"

"Hindi bale na, kaysa naman sa bading! Bading! Bading!"

"Sssh! Tumigil ka, baka maniwala sila." Tumawa pa ako. "Galingan mo na lang mamaya. Galingan mo para `di ka mahalata nina Papa at Mama."

"Buwisit ka! E, ano ngayon?"

"Wala! Bibitayin ka lang naman nang nakapatiwarik. O kaya, itatali sa punong maraming langgam."

"Iyon lang? Dali naman..."

Naasar ako, a. Yabang ng kapatid ko. Hindi natatakot itali at ipakain sa mga langgam.

"Hindi lang `yon... Kapag natalo ka, akin na si Krishna.'' Lumakad ako nang mabilis. Nahuli siya.

"Hoy! Ano'ng sabi mo? Hindi puwede!"


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...