Followers

Friday, January 2, 2015

Redondo: Plakda

Kahapon, plakda ako maghapon, gayundin si Dindee. Siyempre, alas-dos na ba naman kami natulog kagabi. Kaya, natulog lang kami ng natulog. Kain lang ang pahinga. Hehe.

Ang sarap ng tulog ko kahit sa sofa lang ako natutulog. Hindi ko alintana ang ingay nina Mommy at Daddy. Panay ang kuwentuhan nila.

Alas-tres yata iyon nang ginising na kami ni Daddy. Wala na raw kaming itutulog mamayang gabi. Kaya, no choice..bumangon ako. Kain naman ang trip ko. Nahawa ko tuloy si Dindee. Nilantakan namin ang mga tirang pagkain.

Biniro nga kami ni Mommy. Bigla daw kaming lumubo. Kailangan daw naming mag-diet pagkaubos ng mga pagkaing niluto.

Next, nag-movie marathon kami bago natulog. Nakatatlong pelikula kami, simula alas-kuwatro.

Tapos, kanina, nag-ensayo ako ng kakantahin ko bukas sa Batangas. Tumawag nga si Boss Rey. Kinumpirma sa akin kung ready na ba ang mga kakantahin ko. Kasado na, ang sabi ko.

Kinausap naman ako ni Mommy sa kuwarto nila ni Daddy. Sa una, natutuwa daw siya sa amin ni Dindee dahil gumawa kami ng paraan para magkabalikan sila ni Daddy. Kaya lang, bandang huli, nag-iba ang timpla. Napapansin niya daw na sobrang close kami ni Dindee. Hindi naman daw masama iyon. Huwag lang kaming lumampas sa limitasyon. Ibinigay niya nga na example ang nangyari kay Daddy at Mam Dina. Problema lang daw ang dinala sa buahay naming.

Medyo nainis ako nung una, but later, naunawaan ko. Para din naman sa kapakanan naming ang sinabi ni Mommy. Reminder lang kumbaga.

‘’I’ll try po, Mommy.” sabi ko.

“Don’t just try it, Red..do it.”

Nangati ang ulo ko bigla. Napangiti ako.

“Okay po!”

“Saka, mag-iingat ka lagi. ‘Yang pagtugtog mo, parang.. basta! Ingat lang lagi. Ayaw kong napapahamak ka.”

“Opo! Malaki na po ako..”

“Uy, wala sa laki yan!”

Nilabas ko na lang ang dimples ko para matigil na siya. Then, lumabas na ako.





No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...