1. Hanapin sa Facebook ang ex-syota at
makipagkulitan sa kanya, gaya ng nakaraan ninyo. Kapag game siyang makipag-chat
ng magdamagan, alam mo na. May pagtingin pa rin siya sa'yo!
2. Mag-twerking ka sa banyo bago at pagkatapos maligo. Take note: 3 reps para astig. Gawin ito sa harap ng salamin para makita mo ang 'da moves' mo.
3. Manghiram ka ng gitara. Tapos, mag-pretend kang marunong tumugtog. Kumanta ka pa ng sobrang lakas at kaskasin ang kuwerdas hanggang mawala ito sa tono. Tiyakin mong nainis sa'yo ang mga kapitbahay o pamilya mo bago ka tumigil. Finale: Mag-Thank you ka sa mga fans para sikat.
4. Maghanap ka sa kalsada ng batang kumakain ng ice cream. Agawin mo ito at idikit sa ilong ng bata. Kapag umiyak na, itigil mo na. Tiyakin mo lang na walang kasamang tatay ang bata kundi manghihiram ka ng ilong sa pusa.
5. Ilagay mo sobre ng mga pulubing namamalimos sa mga dyip ang mga naipon mong barya na tigbebente-singko sentimos. Kapag nagreklamo, sabihan mo ng "Choosy ka pa!"
6. Kumuha ka ng plastic labo. Lagyan mo ng strawberry jam. Wag kalimutang magbulsa ng sliced bread. Tapos, magkunwari kang rugby boy. Kapag sinabihan ka ng mga kaibigan, pamilya o kapitbahay mo ng "kadiri", ipalaman mo sa tinapay at alukin mo siyang kumain.
7. Mag-upload ka sa Facebook ng epic fail na pictures. Kapag may nag-bad comment, mag-reply ka ng "You really don't know something about photography!" Lagyan pa ng JEJE para cool.
9. I-unfriend mo ang naka-online na FB friend. Tapos, i-message mo siya ng ganito: " Antagal ko ng nag-friend request sa'yo! Bakit di mo ako ina-add?" Siguraduhin mo lang na nakapag-request ka na bago pa niya mabasa ang mensahe mo.
10. Kapag nauutot ka na, pumagitna ka sa umpukan o kaya sa maraming tao. Doon ka umutot. Tapos sabihin mo, "Hmp! Baho! Sinong umutot?" Siguraduhin mo lang na 'soundless' ang utot mo. Or else ituturo ka nila habang tinatakpan nila ang mga ilong nila. Pag nangyari iyon, umariba ka na bago ka pa mabato ng bakya.
12.Pumunta ka sa department store. Mag-selfie ka nang mag-selfie sa dressing room doon, gamit ang mga damit na nakadisplay. Pagkatapos, mag-post sa IG at FB at lagyan mo ng #OOTD.
Isang beses ka lang pumunta sa mall, araw-araw ka pang may "Outfit of the Day".
Huwag lang mahalata ang salamin sa likod mo.
13. Try mong maging manlilimos, pero hindi ka dapat maghilamos ng grasa, dumi o putik. Kailangang malinis ka. Kung maaari, disente ang suot mo. Then, magbigay ka ng mga sobre sa mga pasahero sa dyip.
Sigurado ako, walang magbibigay sa'yo. At, may magtatanong pa kung bakit ginagawa mo iyon.
Sagutin mo: "Kasi gusto kong malaman kung mababait kayo. Hindi pala." Iyon ang punto ng pagtawa mo.
Huwag ka munang bababa, baka may mabait. Sayang naman...
14. Try mo ulit manlimos. Take note: Hindi ka dapat na nanlilimahid. Dapat nakapostura ka.
This time, sa mall ko pumunta. Magdala ka ng kalawangin lata. Iyon ang lalagyan mo ng limos.
Tiyak ako, may magtatanong sa'yo, "Pulubi ka ba talaga?"
Pag nangyari iyon, isagot mo na ang magic words-- "Oo! Papasukin ba ako dito sa mall kung naka-pulubi costume ako? Isip-isip din, dre!"
Ingat lang, baka damputin ka ng mga sikyu.
No comments:
Post a Comment