Followers

Friday, January 2, 2015

Pagsalubong sa Bagong Taon, Paano?

Pagsalubong sa Bagong Taon, Paano?

Ang Piccolo, Super Lolo o ang Pla-pla:
sa mga ito ay wala kang mapapala.
Bagong Taon ay salubungin nang payapa.
'Wag sa mga bawal na paputok, umasa.

Ang Bin Laden o sinturon ni Hudas,
Hindi naman nakatataboy ng malas.
'Wag magpasikat, ikaw ay umiwas,
kung ayaw mong mag-goodbye Pinas.

Coke-in-Can, ang lakas niyan, super!
Kaya, 'wag susubukan, never na never.
Simpleng pagdiriwang ng New Year,
dapat isulong, 'wag nang maging over.

Goodbye, Philippines, isa pa iyan!
'Di lang pandinig ang maaapektuhan,
Pati kabahayan, maging iyong katawan,
kaya tigilan, bago mo pa pagsisihan.

Bin Laden o Yolanda, mga mapaminsala.
Mga pangalan pa lamang, patunay na,
Lalo pa kaya kung papuputukin mo pa.
Huwag na, baka sabihin mo ay "Akala.."

Sabi nga, laging nasa huli ang pagsisisi,
kaya bago magsindi, ikaw na'y magsisi.
Sayang kasi ang pera, mata, paa't daliri.
Buti kung ikaw lang, paano kung hindi?

Lahat ng paputok, bawal man o hindi,
lahat ay delikado, panganib ay matindi,
kahit nga libintador, maging ang watusi.
Tandaan mo: kamalasan, nandiyan lagi.

Bala at baril, huwag na ring subukan.
Tiyak kasi may nilalang na matatamaan.
Mabuti sana kung bala, ika'y babalikan,
hindi e, inosente'y siya pang napupuruhan.

Maraming paraan upang magdiwang--
magtorotot o magsilbato na lamang,
bumusina o kaya ang CD ay isalang
magkantahan, bumirit nang magdamagan.

Manigong Bagong Taon, makakamtan
sa mga mapapayapa't simpleng paraan;
mga kaldero, yero at dram, kalambagin--
praktikal at ligtas, mag-eenjoy ka pa rin.

Polka dots, baka mas epektibo pa.
Suwerte at tagumpay, baka totoo nga.
Sa Medya Noche, may mas maganda:
magsalo-salo, sa Diyos magpasalamat ka.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...