Second day ng third periodic test namin. Masasabi kong hindi ako naapektuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Inspired pa rin akong makamit ang pinakaasam kong place sa honor roll, lalo na nang makita kong masigasig si Riz na ma-perfect ang bawat test.
May test pa kami bukas. MSEP at EPP. Kaya bago ako umuwi, dumaan muna ako sa library para mag-review. Balak ko kasing makipagkulitan kay Dindee o kina Mommy at Daddy pag nasa bahay na kaming lahat.
Sa bahay.
Alas-sais, kompleto na kami. Fifteen minutes pagkatapos kong dumating. Natagalan kasi ako sa school.
Pinagmeryenda muna ako ni Dindee. Mukha daw akong gutom na gutom at uhaw na uhaw. Well, tama siya. Di ko nga naramdaman ang gutom at uhaw habang nag-re-review ako.
Habang nagluluto si Daddy, kami namang tatlo ay nanunuod ng balita. Natutuwa pala si Mommy sa mga gay. Gusto niya si Vice Ganda. Sabi pa nga niya, mga gay din ang mga ka-close niyang co-teachers sa school nila. Masarap at masaya daw kasi silang kasama.
Siyempre di ako nag-react. Gayundin si Dindee. Wala kasing gay sa school niya.
Mabuti na lang ay di ako tinanong ni Mommy kung gusto ko bang kasama ang mga tulad nila. Malamang, mag-clash ang idea namin.
After dinner, nagyaya si Mommy na maglaro kami ng scrabble. Game ako at sina Dindee at Daddy. Siyempre nagkampihan kami. Kampi kami ni Daddy. Kampi naman ang dalawang babae. Pero, magkakaiba kami ng tiles.
Sa una, lamang si Mommy. Pero, nakabawi ako..nalamangan ko silang lahat, hanggang matapos kami.
Ang ingay ng mga babae. Ang daya daw namin ni Daddy. Pinagbintangan pa kaming nagpapalitan ng tiles. Hehe.
Kulit!
No comments:
Post a Comment