First Monday of 2015. Wala ako sa mood. Apektado pa rin ako
ng mga pangyayari.
Kagabi nga ay hindi
ko na nakausap ng matagal si Dindee. Agad akong nahiga sa sofa at nagkunwaring
pagod na pagod.
Kaya kanina, para lang akong tuod sa classroom. Wala ako sa
ulirat ko. Panay nga ang kuwento ni Gio at ang pangungulit nina Nico at Rafael.
Pero, ni isa ay hindi ko nabigyan ng atensiyon.
Si Riz ang nakapansin sa akin. Nang nagkasalubong kasi kami
sa pasilyo, mula siya sa comfort room at ako naman ay patungo doon, nagtanong
siya. “Tahimik ka yata ngayon, Red. Iyan ba ang New Year Resolution mo?” Wala
namang halong pagbibiro ang pagkakawika niya pero hindi naman ako nayamot.
“Oo. Ayaw ko pa kasing pumasok. Pinilit lang ako ni Daddy. Nakakatamad
no?”
“Oo nga e. Ganyan din ako kanina. Parang ayaw ko pa ngang bumangon.
Kahit si Mam Valbuena, di ba ganun din? Parang ang tamlay niya.”
Hala! No comment ako. Saka ko lang kasi naalala si Mam.
Galing pala si Mam sa matinding dagok ng buhay. Hindi pa nga pala niya nasasabi
sa klase na nalaglag sa kanyang sinapupunan ang kanyang sanggol.
Bago pa humaba ang usapan namin ni Riz, nagpaalam na ako.
Pagbalik ko sa classroom, naabutan ko si Mam na nagpupunas ng mata. Tahimik at
malungkot naman ang mga kakalse ko. Kaya pala, nagtapat na siya tungkol sa
nangyari. Pero, hindi pa rin niya ipinaalam ang tunay na ama ng sanggol. Mabuti
naman iyon. Prinotektahan niya rin ako. Salamat sa kanya. Dahil doon, humanga
ako sa kanya. Isa pa, ang kanyang katatagan ay hindi matatawaran. Mas naging
mabigat pa pala ang problema niya kesa sa dinaramdam o pinagkakalungkutan ko.
Hindi pala ako dapat na maging bitter sa bagay na hindi naman ako sigurado. Mas
higit palang si Mam Dina ang nagluluksa. Hindi ako.
No comments:
Post a Comment