Followers

Wednesday, January 21, 2015

Redondo: Si Rona

Sobrang saya ko kanina sa school dahil mataas ang score sa mga tests. Ako ang higest sa Filipino, Math, English at Science. Na-perfect ko ang Filipino. Yahoo! Natalo ko si Riz. Nakita kong nalungkot siya sa mga score na nakuha niya. Mababa siya sa Math. Nalamangan pa siya iba.

Panis si Riz!

Hehe..

“Blowout ka, Red!” bulong sa akin ni Gio habang paulit-ulit kong tinitingnan ang mga tests ko.

“Sige ba.” Bumulong din ako. “Saan mo gusto?”

“Ikaw bahala. Di ako mapili.”

“Okay. Mamaya.”

Nang uwian na, pasikreto kung niyaya si Gio. Ayaw ko kasing makasama sina Nico at Rafael. Hindi man lang kasi nila na-appreciate ang achievements ko.

Tuwang-tuwa si Gio nang pinakain ko siya sa medyo class na food chain. Siyempre natuwa din ako dahil napasaya ko na naman ang best friend ko.

Nang palabas na kami ng food chain, nakita ko si Zora sa kabilang kalsada. May kasama siyang mga kaklase. Dalawang babae at dalawang lalaki.

“Zora!” Kinawayan ko pa siya. Napansin agad niya ako dahil sobrang lakas ng sigaw ko. Tapos hinila ko si Gio para lumapit sa kanila.

Istorbong mga sasakyan. Di kami agad nakadaan. Ang nangyari, hindi ko na naabutan si Zora. Nakasakay na siya ng dyip. Naiwan ang isang lalaki at isang babae. Mag-syota yata.

“Hello! Kaibigan ako ni Zora..” Bati ko sa dalawa.

“Zora? Sinong Zora?” maang na tanong ng babae.

“Si Zora iyong may pink na bag.”

Nakita kong napangiti ang lalaki.

“Hindi si Zora ‘yun!” Mabilis na sagot ng babae.

“Sino siya? Hindi ako maaaring magkamali. Si Zora ‘yun. May tito siya sa Batangas. Dun kami nagkita.”

“Hindi na si Zora yun.” Medyo nairita na ang kausap ko. Hinawakan na rin siya ng bf niya sa kanyang kamay at parang hinihila na para umalis.

“Sige, ‘tol! Alis na kami. Nagkakamali ka lang.” Ang lalaki na ang nagsalita. Tapos, tumalikod na sila.

“Ah, tol..anong pangalan niya?” Pasigaw ko pang tanong.

“Rona!” Sumagot ng lalaki pero hindi na siya lumingon.

Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala. Niloko lang talaga ako ni Boss Rey. Siguro ay binayaran niya si Rona.

Hindi na ako nakipag-usap kay Gio habang nasa dyip kami. Hindi na rin kasi siya nag-usisa.


Nanumbalik na naman ang sama ng loob ko kay Boss Rey. Ngayon, pati kay Rona ay may galit na ako. Mga manloloko. Mga malibog! Buwisit! May mga nilalang palang kagaya nila..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...