Hindi si Boss Rey ang nag-abot sa akin ng bayad sa pagtugtog
ko kagabi. Ipinaabot niya lang sa guwardiya. Mabuti naman! Siguro ay nahiya sa
ginawa nila ni Rona sa akin. Dapat lang!
Alam ko na ngayon ang karakas niya. Kung pwede nga lang
mag-resign, ginawa ko na. Ayaw ko na siyang makita.
Gayunpaman, hindi na ako masaydong apektado sa bagay na
‘yan.
Tanggap ko na..
Kanina, habang nagpa-practice ako ng mga kanta ni John
Lennon o ng Beatles, niyakap ako ni Dindee mula sa aking likuran. “Punta
tayo sa Quezon City Circle.” malambing niyang yaya.
“Ha? Na naman?”
Bumitiw na siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. “Oo!
Di ba may Hortikultura Extravaganza ngayon doon?! Hindi mo matandaan? Ikaw pa
nga ang nagsabi sa akin na nakita mo sa Facebook.” Nalungkot siyang
bigla.
Nag-isip kunwari ako. Ang totoo, ayaw ko sanang pumunta. “Oo
nga pala! Sige, punta tayo!” Tumayo na ako.
“Yehey!” Niyakap niya uli ako. This time sa tagiliran naman.
Nagtaxi na lang kami papunta doon kasi medyo mali-late kami.
Ayaw daw niyang ma-miss ang mga float.
Na-late nga kami. Pero, nakapag-picture-picture pa rin kami
sa mga float, gayundin sa mga landscape na nasa exhibit. Ang gaganda naman
talaga! Kahit sino ay makaka-appreciate. Hindi lang si Dindee ang nasiyahan,
ako din. Higit lalo ang girl friend ko kasi andami niyang subject of
photography. Mas marami pa nga yatang kuha ang mga bulaklak at halaman kesa sa
aming dalawa.
Nag-stay pa kami sa Circle hanggang alas-dos. Inaantok na
kasi ako kaya nagyaya na ako. Mabuti ay pumayag naman si Dindee. Hinayaan din
niya akong makatulog sa bus. Siyempre, gising siya at ginawa kong unan.
Nakasandal ako sa kanyang balikat. Ang sarap palang matulog pag ganun. Hehe.
No comments:
Post a Comment