Maaga akong umuwi pagkatapos ng klase ko. Tinext ko rin si
Dindee ng mga sweet quotes para makabawi ako sa kanya. Nagustuhan naman niya
iyon at hindi na nagbanggit pa tungkol sa kasalanan ko.
Sabagay, hindi ko naman itinuturing na kasalanan ang panlilibre
sa mga kaklase at pag-uwi ng late ng dalawang magkasunod na araw. Ang malaking
kasalanan ko, na hindi dapat niyang malaman, ay pagiging interesado kong
mahanap at makausap si Rona, a.k.a Zora.
Hindi ako interesadong makausap siya ng sweet talk-an, kundi
para alimurahin siya sa ginawa nila sa akin ni Boss Rey. Gustong-gusto ko
siyang murahin!
Dahil dito, naisipan kong praktisin ang “Heart Breaker”.
Idinagdag ko na rin ang “Addicted” at “Problema Lang Yan.”
Nakakatawa lang dahil naabutan ako ni Dindee na kinakanta at
ginigitara ang “Heart Breaker’’.
“Hoy, hindi ako heart breaker ha! Excuse me!’’
“Uy, Dee, andyan ka na pala.” Nginitian ko siya. “Siyempre,
hindi ka heart breaker.”
“At sino, aber ang tinutukoy mong heart breaker?” Kumurba pa
ang mga kilay niya.
“W-wala!’’ Nanginig ang boses ko. Mabuti na lang hindi
nahalata. “Ito kasi ang isa sa mga request ng customer ko last time.”
“Sure ka?”
“Oo! Masyado ka naman. Pati kanta…”
“Okay! Wala na akong sinabi.. Bihis lang ako.”
Nakahinga ako ng maluwag.
No comments:
Post a Comment