Followers

Thursday, January 29, 2015

Redondo: Straight

Kanina umaga sa school, may lumapit sa aking schoolmate. Babae. Grade 8 daw siya. Turuan ko daw siya sa Math. Dahil iyon ang isa sa mga plataporma ko as SSG President, tinuruan ko siya.

After class ko siya ni-meet sa library. Nakita ko din doon ang mga kasamahan ko. Wala nga lang silang tutee.

Habang nagtuturo ako sa kanya, nararamdaman kong di naman siya nakikinig ko nakatingin sa itinuturo o isinusulat ko sa papel. Tinitigan niya lang ako. Nahui ko pa nga.

“Makinig ka!” Medyo nainis ako kaya tumaas ang tono ko.

Napahiya siya kaya nakinig siya kunwari. Tapos, nagpaalam na. Naunawaan na daw niya.

Walang Joe! Nagkunwari lang palang walang alam. Gusto lang palang mapalapit sa akin. Hoo! Ang mga babae nga naman. Tsk tsk!

“Kahit sino naman, gagawin iyon.” natatawang sabi ni Dindee nang ikinuwento ko sa kanya ang tungkol dito. “Campus Personality ba naman, e.”

“Isa ka pa! Hindi ba pwedeng maghintay sila na pansinin ko?!” biro ko rin.

“Hindi na uso ngayon ‘yan, Red! Lalo pa ngayong paubos na ang mga tunay na lalaki. Nag-aagawan na sa iilan-ilang straight..”

“Grabe naman!” Wala akong maisip na sagot. Naalala ko na naman kasi si Boss Rey.

“Ikaw? Straght ka ba?” Pabiro niyang tanong.

“Gusto mong halikan kita ngayon? Torrid. Para malaman mo ang sagot.”

“Oo na. Joke lang naman..”

“Yan! Linawin mo. Baka mabigla ako, mahalikan kita ng todong-todo.”

“Bakla!” Sigaw niya tapos tumakbo sa kuwarto niya, nag-lock pa. Paulit-ulit pa niya itong isinigaw nang nasa loob na.

“Lumabas ka dito. Kulang lang ‘yan sa kiss..”


Kulit..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...