Followers

Saturday, January 3, 2015

Hijo de Puta: Noventa

"Pareho lang naman tayo, ah!" May galit na ang pagkakasabi ko.

"Pareho? Paano tayo naging pareho?" maang na tanong ni Lianne.

Ngumisi ako at tumayo. Bumalik ako sa may pintuan. "Ago-go dancer ka di ba? Ako, macho dancer. May pinagkaiba ba?" Sarkastiko na ako.

Nagtinginan ang magkaibigan.

"Hector.. nagkakamali ka!" protesta ni Paulo. 

Hindi ko siya pinansin. "Galit na galit ka sa gawain ko, pero ni minsan ba may narinig kang masama sa akin? Ha, Lianne?"

"Hindi mo alam ang nangyari..” mahinang sagot ni Lianne. Hindi siya nakatingin sa akin. Humihingi siya ng tulong sa kaibigan.

"Oo, Hector! Hindi mo dapat.."

Hindi ko na tinapos ang paliwanag ni Paulo. Gusto kong malaman nila na matagal ko nang alam. "Pinuntahan ko ang bar na pinagtrabahuan mo. Bigla ka daw naglaho. Kaya pala biglaan din ang paglipat mo sa akin, dito sa bahay. Bakit, Lianne? Bakit?"

"Oo. Dancer ako, katulad mo. Nagbilad ako ng katawan. At ako ang babae dun sa stag party ng kaibigan mo. Ano, masaya ka na?"

Nagulat ako. "Oo.. I mean, hindi! Nagtataka lang ako kung bakit nag-walkout ka. Di ba iyon naman ang trabaho mo? Di ba ligaya naman talaga ang hanap mo?"

Si Paulo ang sumagot. Humihikbi na kasi si Lianne. "Hector, masalimuot ang naging buhay ni Lianne. Ayaw na niyang ukilkilin mo pa ang mga nakaraang iyon. Please, tama na! Lianne, let's go!" Itinayo na niya ang kaibigan.

Lumuluhang lumabas si Lianne, na inaalalayan ni Paulo. Hindi ko na sila pinigilan. 

Pagkaalis nila saka ko lang naramdaman ang labis na kalungkutan. Nagsisisi ako. Hindi ko dapat iyon ginawa sa aking pinakamamahal.

"See? Hindi mo ako mahal. Hindi mo kasi kayang mahalin at irespeto ang sarili mo. Binababoy mo ang sarili mong katawan!"


Matigas ang pagkakabigkas ni Lianne ng linyang ito. Nagpanting ang tainga ko. Hindi niya dapat ako hinuhusgahan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...