Followers

Wednesday, January 14, 2015

Redondo: Video

Kagabi. 

“Sir, tumuloy daw po kayo sa opisina ni Boss Rey.” Salubong sa akin ng guard papasok pa lang ng MusicStram.

“Sige po. Salamat!” 

Alas-nuwebe y medya na iyon kaya marami ng customer. May tumutugtog na nga.

“Tuloy!” narinig kong sbai ni Boss nang kumatok ako. “Ikaw pala. Upo ka!”

“Hindi na. Gusto kong tumugtog ng maaga para makauwi ng maaga. Ayoko nang magpagabi ng husto.” sarkastiko kong sabi.

“Bakit? May gusto ka bang ipahiwatig? Ibang-iba ka na ngayon managot, a. Huwag mong kalimutan, ako ang boss mo.”

“Hindi ko naman nakalimutan. Nagsisisi lang po ako kung bakit ako pumirma ng kontrata. Para kasing pag-aari na ninyo ako.”

“Kasalanan mo ‘yan! Di ka nag-isip. Ngayon kung gusto mong makatakas sa akin, bayaran mo ang kikitain ko sa mga araw na hindi ka tutugtog sa akin. Simple lang di ba?” Sumandal siya sa kanyang swivel chair at ngumisi. Tapos, tiningnan pa ang hinaharap ko. “Saka, nag-e-enjoy ka naman sa dito, di ba? Or should I say, nag-enjoy ka naman sa akin, di ba?” Humalakhak pa siya.

Nakakabuwisit! 

“May future ka, Red! Sa akin ka na lang..”

Sa sobrang inis ko, di ako nakapagsalita. 

“Ang girl friend mo, suwerte sa’yo. Si Zora nga, mukhang nag-enjoy sa’yo. Ikaw, na-enjoy mo ba siya?” Mapang-asar pa rin siya.

Hindi na ako nakapagtimpi. “Oo, masarap! Ganda ng plano niyo. Sana sinabi mo na gusto mo…”

“Ssssh! Dahan-dahan ka sa pananalita mo, bata! Hawak ko ang video niyo. Kung gusto mong sumikat, sige..ipangalandakan mo!”

Natigalgal ako. May video? Nakuhaan kami ni Zora? Yari na! Blackmail ito. 

“Yan ba ang dahilan ng pagpapapunta mo sa akin? Bakit ginagawa mo ito sa akin? Anong kasalanan ko?” tanong ko. Medyo, bumaba ang tono ng pananalita ko.

“Wala! Ayokong mawala ka sa MusicStram! Akin ka lang! Tapos! I-krus mo ‘yan sa noo mo! Sige, hala, sumunod ka na sa BlackSticks. Tapos, umuwi ka na. Heto ang bayad mo.”

Pagkakuha ko ng isanglibong kabayaran sa tugtog ko, agad akong lumabas. Mangiyak-ngiyak ako sa mga nalaman ko. Matindi pala ang tama sa ulo ni Boss Rey. May basag ang pula. Kaya niya palang gawing miserable ang buhay ko. 

Paano ko ito haharapin?


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...