Kagabi ay nakiusap sa BlackSticks band na mauna akong tumugtog sa kanila. Sabi ko, may exam kasi ako kinabukasan. Mabuti, pumayag naman sila. Mababait naman kasi sila. Iyong drummer nila na si Joeffrey ay madalas kong kakuwentuhan. Palibhasa hindi nagkakalayo ang edad namin.
Kanina, sa school, iwinaksi ko muna ang kung anumang bumabagabag sa aking isipan. Sinikap kong mag-focus sa exam. Hindi naman ako binigo ng utak ko. Gumana pa rin ito sa kabila ng lahat. Ito naman ang kinabibiliban ko sa kukote ko. Flexible. Parang may buhay. Napapakiusapan.
Kaya lang, nasinghalan ko si Roma. Lumapit kasi sa akin at nagtatanong ng sagot. Bad trip pa naman ako sa kanya. Hindi pa siya nadala nang masiko ko siya noong isang araw.
Kung masasabi ko nga lang sa kanya na naging homophobic na ako.. Kaso, hindi pwede. Kailangan ko lang iparamdam sa kanya.
Nag-sorry naman ako kay Roma, bago kami nag-uwian. Ayoko naman kasing masira ang imahe ko sa kanya dahil lang sa takot ko. Iba naman siya kay Boss Rey.
“Kung di lang kita bet, di kita patatawarin, noh!” sabi pa niya sa baklang-baklang paraan.
Nginitian ko siya at inakbayan ko. Tapos, niyapos niya ako. Hindi na ako pumalag. Ilang Segundo lang naman niya iyon ginawa.
“O ayan, nakatsansing ka na naman. Gusto mo sikuhin uli kita?’’ Biro ko lang iyon pero natakot siya. Agad a umiwas. Tumawa lang ako kaya nawala ang takot niya.
Tawa ng tawa si Gio.
“Hoy, SPL! Tumigil ka dyan!” singhal niya kay sa kaibigan ko.
“Anong SPL? Bading ka talaga!” Nag-dirty finger pa si Gio.
“E, ano kung bading?! At least hindi special!” Ginantihan niya ng dirty finger si Gio.
“Psst! Tama na ‘yan. Mamaya, magsabunutan na kayo.” Biro ko naman.
Si Roma naman ang tumawa. Inakbayan ko si Gio pagkatapos at nagpaalam na kami kay Roma. Hihintay niya kasi si Riz, na nasa CR.
Nang naghihintay kami ni Gio ng dyip, natanong ko siya kung hindi pa siya nai-intimidate kay Roma. Sabi niya, natatakot siya minsan. Nang-ookray daw kasi. Pero, kung sa suntukan daw, hindi siya uurong. Natawa lang ako. Akala ko kasi pareho kami ng nararamdaman ngayon. Ibang case pala ang sa kanya.
Sa bahay, sinikap kong makipagkulitan kay Dindee. Ilang araw ko na rin siyang nababale-wala. Mabuti nga at hindi siya nagtataka. Nakatulong din ang prsensiya ni Mommy. Lagi kasi silang magkausap.
No comments:
Post a Comment