Followers

Tuesday, January 6, 2015

Redondo: Tequila

Bumalik na ang dati kong sigla. Pero, si Mam Dina, hindi pa rin masilipan ng ngiti sa kanyang mga labi. Humingi siya ng paumanhin  at pang-unawa sa amin. Mabuti ay naging sensitibo naman ang mga kaklase ko. Meron lang isa na talagang maingay kaya nabulyawan ko.

Bago ako umuwi ay saka ko lamang naiabot sa kanya ang naipangako kong tulong pinansiyal.

“Salamat, Red! Nag-abala ka pa. Sorry, nawala na ang kapatid mo.” Malungkot na sabi ni Mam.

“Okay lang po, Mam. Ang mahalaga po, maayos kayo.”

Ngumiti na si Mam, bago ako nagpaalam.

Sa bahay, nagsulat agad ako habang wala pa si Dindee.

Eto na ang continuation ng mga pangyayari sa Batangas noong January 3:

Dahil sa sobrang lamig ng tubig sa pool, nanginig ako at nagyaya na kay Zora na umahon, pagkalipas ng kalahating oras naming pagbabad doon. Sabi niya, try daw naming uminom ng hard para di kami lamigin. Sa una ay tumanggi ako. Beer lang kasi ang iniinom ko. Pero, dahil sadyang nakakahipnotismo ang mga salita niya, napapayagan ako.

Tequilla ang kinuha niya sa buffet table. May dala din siyang hiniwa-hiwang lemon at asin at shot glass.

“Walang tubig o juice man lang?”, tanong ko.

Tinawanan niya ako. “No need, Red! Tingnan mo ako..” Nagsalin siya ng alak sa glass. Kumain ng konting asin. Tinungga. At nagpiga ng lemon sa bibig. “Ooh! Sarap! Kaw naman!”

Ginaya ko siya. Pero nang malunok ko ang alak, halos iluwa koi to. Ang pait!

Tinawanan ako lalo ni Zora. “First time? Ano ka ba, Red? Ikaw lang yata ang kilala kong guy na hindi marunong uminom. Come on, give it another try..” Iniaabot pa sa akin ang bote ng alak.

“Ayoko na! Di ko gusto ang lasa. Punch na lang uli..” Hndi pa rin maaalis sa lalamunan ko ang pait.

“No! Kaya mo yan! Sa una lang yan. Masasanay ka rin!’’ Sinalinan niya pa ang baso. Kinuha sa akin. “Watch! Ganito ang exciting way ng pag-inom nito.” Tinanggal niya ang tuwalya na nakabalot sa katawan ko.

“Zora, bakit?” Nahiya akong bigla. Lumantad kasi sa kanya ang katawan ko. Sa pool ay medyo madilig kaya masyadong obvious. Pero sa kuwarto, maliwanag. “Malamig.” Palusot ko.

“Ang tequila ay kilala bilang body shot. Just participate. And enjoy..” Maharot pa siyang tumingin sa akin at sa aking nipple. Tapos, kumurot siya ng asin at nilagay sa aking balikat. “Wag kang malikot.”

Hindi nga ako gumalaw. Hindi na rin ako nagsalita habang dinilaan niya ang balikat ko upang makain ang asin. Saka niya tinungga ang laman ng shot glass. Nagpatak siya ng lemon sa bibig.

“That’s is the real essence of this! Ikaw naman!” Ibigay nya sa akin ang alak at baso. Tapos, humiga siya sa kama.

Tumambad sa akin ang mapuputi niyang hita. Nang-aakit siya, alam ko. Gusto kong labanan pero di ko magawa.

“Go, Red! I’m waiting.’’ Pinagalaw pa niya ang kanyang balikat kaya napansin kong yumugyog ang kanyang dibdib. “Put some salt on my body..”

Para akong robot na wala sa sarili. Nanginginig ako pero hindi ko pinahalata.

Sa balikat ko sana ilalagay ang asin, pero ayaw niya kasi nahuhulog kaya siya mismo ang naglagay sa kanyang dibdib. Oh, no! Tukso! Alam kong tinutukso niya ako. May gusto nang kumawala sa katawan ko. Pero, sabi ng alak sa ulo ko, “Go, Red! Go!”

Nagawa ko! Dinilaan ko ang asin sa kanyang dibdib. Tinungga ang alak at pinakatas ang lemon sa aking bibig. Totoo nga! Sa una lang masama ang lasa. Bakit parang nagustuhan ko? Wow! Amazing!

Bago pa ako mahalata ni Dindee, ititigil ko na muna ang kuwento ko. Bukas naman. Time for kulitan. Kukulitin ko muna si Dindee para pansamantala kong malimutan si Zora at ang mga mangyari sa Batangas. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...