Kahapon, January 19, nakalimutan kong magsulat sa journal.
Naging busy kasi ako sa pagtapos ng project ko sa Science. Bandang hapon iyon.
Nang umaga kasi, nanuod lang ako ng TV. Huling sulyap ko na kasi kay Lolo Kiko.
Kailangan kong makita ang kanyang pagpasok sa eroplano na maghahatid sa kanya
pabalik sa Roma.
Isa nga ako sa mga tinamaan ng Pope Francis Fever. Tindi
talaga! Hindi matapos-tapos ang kuwentuhan naming apat. Andami-dami kasing
nangyari sa limang araw na narito siya sa Pinas.
Pinag-usapan din namin ang mga negative comments ng netizens
kay Santo Papa. Isa sa mga iyon ay ang comments ni Marlene Aguilar.
Nakakabuwisit!
Kanina naman, sa school. Ganun din ang usapan. Bawat teacher
na pumasok sa classroom namin ay magtatanong kung sino ang pumunta sa Luneta,
MOA, UST, Manila Cathedral o Apostolic Nunciature. Hindi na ako nagtaas. Hehe
Pag-uwi ko, na-inspire akong magsulat ng kuwento tungkol sa
batang babaeng umiyak habang nagti-testimony sa UST. Inisip ko lang kung ano
ang totoong nangyari sa bata kaya siya umiyak at nagtanong kay Pope Francis.
Nagustuhan ito nina Mommy nang ipabasa ko sa kanila. Ipagpatuloy ko dapat ang
pagsusulat.
“Talented talaga ang Red ko. Lahat na lang pinapasok. Music.
Literature.. Nakaka-in-love talaga!” sabi ni Dindee. Hindi siya nahiya
sa aking mga magulang. Nakakatuwa.
“Oo nga! Ano pa kaya ang kaya mong gawin, Nak?” tanong naman ni
Mommy.
Ngumiti lang ako. Hindi ko kasi alam.
“Kaya pang kumain ng bubog niyan.” Biro naman ni Daddy.
Nagtawanan kami.
“Pwede, Dad!’’
No comments:
Post a Comment