Followers

Tuesday, January 27, 2015

Redondo: Sumbong

“Red, nakita ko si Leandro kanina!” nahihintatakutang sumbong sa akin ni Riz, papasok pa lamang kami sa classroom.

“Saan?” agad kong tanong.

“Sa labas. Sa kabilang kalsada. Naka-hoodie siya at naka-shades.” Kumapit pa siya sa braso ko, kaya napahinto kami sa may pinto.

“Sigurado kang siya ‘yun?” Sumenyas ako kay Mam Dina na di muna kami papasok. Tumango lang si Mam.

“Oo! Sure ako. Siya nga yun. Tumalikod nga kaagad nang makita ko.”

“Ibig sabihin..minamanmanan ka niya.”

“Oo, Red..natatakot ako.”

“Magsabi ka na sa mga magulang mo.”

Pinapasok na kami ni Mam Dina kaya naputol ang usapan namin. Tapos, tinanong niya si Riz kung ano ang problema. Sinabi naman niya ito sa aming adviser kaya pinayuhan siya. Kung maaari daw ay magpasundo at magpahatid siya sa school.

Mangiyak-ngiyak si Riz nang nagsisimula na si Mam Dina sa leksiyon namin. Hindi pa rin siya mapalagay. Naawa ako sa kanya.

Apektado ako. Kaya nga nang nakauwi ako, tahimik lang ako. Gusto kong protektahan si Riz. Kahit paano ay may pinagsamahan din kami.

Ang masama, hindi ko maikuwento kay Dindee ang tungkol dito. Malamang, magseselos na naman siya at mauuwi sa away. Kaya, nang magkaroon ako ng chance, kay Mommy ko ikinuwento. Sabi niya, pwede ko naman daw tulungan si Riz, pero ingatan ko na wag malaman ni Dindee. Masakit daw kasi iyon para sa isang babae.

Tama naman si Mommy. Naunawaan ko naman. Saka alam ko naman iyon. Hindi na ako in-love kay Riz. Purely friendship na lang ang pag-care ko sa kanya. Isa pa, parang nagpapatulong siya sa akin kaya siya nagkukuwento at lumalapit.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...