Followers

Wednesday, April 1, 2015

Ang Kuwaresma

Ang Kuwaresma ay panahon ng paghahanda sa Easter. Sinisimulan ito ng mga Kristiyano sa araw ng Miyerkules na tinatawag na Ash Wednesday. Ang pagdiriwang na ito ay isinasagawa sa loob ng apatnapung araw bago ang Linggo ng Pagkabuhay. (Hindi kasama ang mga araw ng Linggo.)

Ang selebrasyong ito ay ang panahon para sa mga Kristiyano para sa pag-aayuno (fasting), pagsisisi, pagpipigil at ispiritwal na pagdidisiplina. Ang layunin nito ay magkaroon ang bawat isa ng oras para magnilay sa paghihirap at sakripisyo ni HesuKristo sa krus ng Kalbaryo para sa katubusan ng ating mga kasalanan.

Hindi lahat ng mananampalataya o Kristiyanong simbahan ay nagdiriwang ng Kuwaresma. Ang mga Lutherano, Metodista, Presbyteriano, Anglicano at Romano Katoliko ay ang madalas na nagsasagawa nito. Ang Simbahang Eastern Orthodox ay nagsisimulang magdiwang ng Kuwaresma tuwing Lunes na tinatawag nilang Clean Monday. Wala silang Ash Wednesday.

Anuman ang relihiyon o paniniwala natin, igalang natin ang pananampalataya at relihiyosong gawain ng iba.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...