Alas-onse y medya na kami nakarating ni Jeoffrey sa bahay nina Lola at Lolo. Pagdating namin doon ay masaya akong sinalubong ng lahat. Miss na miss daw nila ako.
"Ang pogi talaga ng apo ko." pagkatapos akong yakapin at halikan ni Lola sa noo.
"Siyempre, mana sa lolo." biro niya.
"Bumanat na naman ang matanda. Sige na, maghain ka na. Siguradong nagugutom na itong dalawa."
"Lola, Lolo..si Jeoffrey nga pala." pakilala ko sa aking kaibigan.
Bumati naman agad si Jeoffrey.
"Welcome sa Aklan, Jeffrey!" turan ni Lola.
"Jeoffrey po." correction ko.
"Jeffrey nga.."
Nagtawanan na lang kami ni Jeoffrey.
Bago kami nakaupo sa hapag bumulong pa sa akin si Jeoffrey. "Ang ko-cool ng mga lola at lolo mo. Astig!"
"Oo naman, mana sa akin."
Nagtawanan uli kami.
Maya-maya ay dumating na sina Dindee, Karryle at ang iba ko pang pinsan, tiyo at tiya. Iisa ang comment nila. Nakakasawa na nga ang papuri nila. Hehe.
May nagyaya agad na magswimming. Si Dindee naman ay nag-alok na i-joyride kami ni Jeoffrey sa kanyang motor. Sabi ni Lola, magpahinga daw muna kami. May bukas pa. Kaya, wala silang nagawa. Nagsialisan sila pagkatapos ng pananghalian, maliban kina Dindee at Karryle. Nagkuwentuhan kami sa sala. Nagplano rin ng swimming.
Si Dindee ay hindi makaporma. Gusto daw niya akong i-hug at i-kiss kaya lang may nakatingin. Gusto ko ring gawin iyon, sabi ko.
Inabot kami ng alas-singko sa kuwentuhan. Sina Karryle at Jeoffrey, mukhang nakamabutihan. Panay ang tawanan nila. Nagpaturo pang mag-Aklanon, lalo na na kung ano ang Aklanon ng 'I love you'. Inulit-ulit niya pa na para bang sinasabi na niya agad sa pinsan ko.
Bagay sila. Mukhang may gusto din sa kanya ang pinsan ko. Dito pa yata sa Aklan, makakahanap ng pag-ibig si Jeoffrey.
Gabi, naggitara ako. Pinakanta ko si Jeoffrey. Hanep din pala ang boses ng mokong. May ibubuga. Kaya pala nangangarap ding maging lead vocalist.
Alas-otso, nagpaalam na ang dalawang babae.
"Tuloy ba tayo bukas?" Bumalik pa si Dindee para ikumpirma.
"Oo, tuloy. Tatlong araw lang kami dito ni Jeoffrey kaya kailangang sulitin ang bakasyon."
"Okay. Sige. Excited na rin ako." sagot ni Dindee.
"Lalo naman ako!" si Karryle.
"Hay, naku! Lumalandi ang sis ko!" Tumawa pa ang gf ko. "Tara na nga! Bye, Red!" Lumapit siya sa akin at di napigilang hagkan ako sa labi, sabay yakap.
Wala akong nagawa. Ilang segundo rin kaming naghalikan. Nakatingin ang dalawa pero di kami nahiya.
"I missed you, Dee!" bulong ko kay Dindee pagkatapos niyon. Sumagot siya. Miss niya na rin ako. Sobra pa daw sa pagkamiss ko sa kanya.
Ang sarap din malayo sa mahal mo dahil pag nagkita kayo ay grabe ang sarap sa pakiramdam.
Tinukso pa ako Jeoffrey pagkaalis ng dalawa. Sinabihan ko siya na inggit lang siya.
"Makakatikim din ako nun.." sabi niya.
Hehe
Followers
Monday, April 20, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment