Bilangguan
Si Mommy ang nauna. Inamin niya na minsan siyang pinagnasaan ni Boss Rey. Kaya, nagkuwento na rin ako't sinuportahan ni Daddy. Naawa sa akin si Mommy. Pinahihinto na nga akong tumugtog. Pero, binida naman na ni Daddy ang ginawa niya, kaya nakakatiyak daw siyang ‘di na iyon uulitin ng boss ko.
Natawa ako. "Kasalanan ko po yata pareho."
''Siguro nga, Red!" biro ni Daddy.
"Hindi naman. Kasalanan ng bading mong boss!" sagot naman ni Mommy. "Kulang na lang ang Daddy mo. Kumpletos rekados na."
Nagtawanan kami.
Naghahanda kami ng mga gamit at pagkain
para sa swimming namin sa Cavite nang tumawag si Riz. Umiiyak siya.
"Red… si
Leandro," aniya.
"Ano
si Leandro?" Nataranta
rin ako.
"Nahuli
na siya."
"Mabuti
'yan! Bakit ka umiiyak? ‘Di ba, dapat maging masaya ka na?"
"Kinakabahan
pa rin ako, Red. Nasusuklam ako sa kanya. Gusto ko siyang..."
"Riz,
huminahon ka. Maging panatag na ang loob mo dahil tapos na ang pagtatago niya."
"Puwede
mo ba akong samahan? Gusto ko siyang makita."
Pumayag
akong samahan siya. Kinansela namin ang family outing para lang sa request
niya. Sasama rin sina Mommy at Daddy upang personal na makaharap ang taong
nagpabugbog sa akin. Gaya ni
Riz, galit na galit din sila kay
Leandro.
Iyak
nang iyak ang nanay ni Leandro nang madatnan namin sa police station. Imbes na
magalit ang mga magulang ko, awa na lang ang umiral. Pinayuhan pa nila, ngunit
kakasuhan pa rin siya at ang kanyang mga kasamahan ng frustrated murder. Rape
naman ang ikinaso nina Riz sa kanya. Ngunit, dahil menor de edad siya, hindi
muna siya makukulong.
Nakalapit
naman si Riz kay Leandro, kaya sampal at tadyak ang inabot niya. Inawat lamang
siya ng mga pulis.
"Napakahayop
mo! Sana dumating na ang araw ng pagkakakulong mo!" sigaw ni Riz. Nangangalit siya. "Kulang pa 'yan. Dapat sa 'yo mabulok sa
bilangguan!"
Matigas
si Leandro. Parang hindi siya nasaktan. Hindi nagsalita, pero nakangisi
pa.
Niyakap
na si Riz ng kanyang ina, na lumuluha na rin. Panay naman ang paghingi ng
apology ang mga magulang ni Leandro sa amin.
"Napatawad
ko na po siya… Pero, dapat din po siyang managot sa batas," sagot
ko naman.
"Salamat,
iho!" turan ng ina.
Pagkatapos
ng ilang minutong pirmahan, nagpasalamat at nagpaalam na si Daddy sa mga pulis
na nakahuli at nag-asikaso ng kaso. Binigyan din nila kami ng garantiya, na
hindi na uli makakapanggulo si Leandro.
Dahil
may inihanda kaming pagkain, niyaya na lang ni Mommy sa bahay ang mag-anak ni
Riz. Sumama naman sila. Parang selebrasyon daw iyon, anila.
Napasarap
ang kuwentuhan ng mga magulang namin tungkol sa mga nangyari. Tapos, napag-usapan
din nila kami. Bagay raw kami. Muntik na nga lang masambit ng nanay ni Riz ang
salitang 'rape'. Na-gets ko kaagad.
"Wala
naman pong problema. Si Riz pa rin naman po siya," sagot naman ni
Mommy.
Kami
ni Riz, pinagkasunduan naming mag-move on na lang sa bangungot na iyon. Mahirap
nga lang, pero sisikapin namin. Sabi ni Riz, sobrang sakit na mawala ang pagkababae
niya. Aminado naman akong mas masakit ang nangyari sa kanya kaysa sa
pagkakagulpi sa akin.
"Gawin
na lang nating aral at alaala ang lahat, kahit masakit," dagdag ko pa.
"Red…
may magmamahal pa kaya sa akin?" seryosong
tanong ni Riz.
Tinitigan
ko muna siya. "Oo naman. May mga lalaking hindi tumitingin
sa nakaraan. Gaya ko."
"Sana.
Sana, Red.."
Alas-sais
na ng hapon sila umuwi.
Kumpletos
Rekados
"Simula ngayon, wala ng maglilihim sa ating tatlo," sabi ni
Daddy pagkatapos naming mag-aminan ng mga lihim namin sa isa't isa.
Si Mommy ang nauna. Inamin niya na minsan siyang pinagnasaan ni Boss Rey. Kaya, nagkuwento na rin ako't sinuportahan ni Daddy. Naawa sa akin si Mommy. Pinahihinto na nga akong tumugtog. Pero, binida naman na ni Daddy ang ginawa niya, kaya nakakatiyak daw siyang ‘di na iyon uulitin ng boss ko.
"Sana nga, Red! Kapag ginawa niya ulit iyon sa 'yo, ‘di ko alam
kung ano ang magagawa ko sa kanya."
Lumapit si Daddy kay Mommy at niyakap niya ito mula sa likod.
"Sorry… Hindi dapat kami naglilihim ng anak mo." Kiniss niya pa sa
buhok ang aking ina.
"Sorry rin kasi itinago ko sa 'yo o namin ni Red ang ginawang
kabastusan sa akin ng manyak na 'yon."
Natawa ako. "Kasalanan ko po yata pareho."
''Siguro nga, Red!" biro ni Daddy.
"Hindi naman. Kasalanan ng bading mong boss!" sagot naman ni Mommy. "Kulang na lang ang Daddy mo. Kumpletos rekados na."
Nagtawanan kami.
Kanina, nagtext si Riz. Sinabi niyang nalulungkot siya. Hindi ko alam
kung paano ko siya matutulungan hanggang siya na mismo ang naghangad na magkita
kami o kaya puntahan ko siya sa bahay nila.
Gusto ko. Ayaw naman ni Mommy. Ipinaramdam niya sa akin na huwag akong
makipaglapit masyado kay Riz kung gusto kong makabalikan si Dindee. Mas gusto
niya pa rin si Dindee para sa akin.
Hindi ko napagbigyan si Riz. Alam kong nalungkot siyang lalo nang hindi
na siya nag-reply.
No comments:
Post a Comment