Followers

Wednesday, April 22, 2015

BlurRed: Pillow Fight

Sobrang saya ng ikalawang araw namin sa Aklan. Si Jeoffrey ay umaming sobra din siyang nag-enjoy lalo na't nakilala niya si Karryle.

"Oo, gago ka! May pagka-playboy ka yata e. Walang ganyanan ng pinsan." pabiro kong banat.

"OA mo naman. Crush pa lang naman, e. Nagtataka nga ako kung bakit naging magpinsan kayo ni Karryle.." biro din niya. Ngumisi pa.

"Ah ganun!? Sige maghanap ka na ngayon ng pamasahe mo pabalik." Tumawa ako ng nakakainis.

"Joke lang! Di na mabiro."

Nagdirty finger ako.

Ang kulit...

Kanina, tinuloy namin ang kulitan. But, this time, sa bahay naman nina Dindee.

"Hello, Red!" masayang bati sa akin ng mommy ni Dindee. Niyakap niya pa ako at bineso. "I missed you, handsome boy! Who's with you?"

"Ah, siya po ang kaibigan namin. Si Jeoffrey.."

Binati din ni Tita si Jeoff, gaya ng pagbati sa akin. Ang sweet ni Tita Lourdes. Parang si Mommy din.

"Ikaw pala si Jeoffrey. Hmp hindi mo naikuwento, Dee, na pogi rin pala siya." Kinurot pa niya ang pisngi ng kaibigan namin.

Kinilig pa si Jeoff. Nahalata ko. Ang lakas niyang makakindat sa akin. Nabanat pa ng husto ang mga labi niya sa sobrang pagngiti. Gusto ko sanang itanong, 'First time!' He he.

Nagluto ng kung ano-ano si Tita para sa amin, habang kaming apat ay nagba-bonding sa kuwarto ni Dindee.

Bukas siyempre ang pinto dahil from time to time ay pumapasok si Tita. Bawal ding makipagdikitan kay Dindee. Tawanang malupit at kuwentuhan to the max lang talaga. Mabuti pa nga ang dalawa, nadedevelop na sa sobrang kasweetan. Hinayaan ko na lang sila. Hindi na ako nagpakapinsan kay Karryle. Malaki na siya para pagsabihan. Alam na niya ang tama at mali. Basta ako, matitigan ko lang ang mukha ng pinakamagandang babae sa uso ko, maligaya na ako. Plus na lang na nayakap ko siya nang magawi kami sa veranda para mag-sight-seeing doon. Although, mabilis lang, sapat na iyon upang mapadama ko sa kanya ang pananabik ko sa kanya.

Pinag-usapan din namin doon ang plano niya sa pasukan.

"Tulungan mo.akong kumbinsihin si Mommy." malungkot na wika ni Dindee.

Wala akong naisagot. Hindi ko kasi alam. Pano ba? Hindi ako pwedeng mangialam sa kagustuhan ng kanyang ina.

"Mothers know best. Hayaan mo na lang siya. Mapapabuti ka rin naman.." Nasabi ko rin sa wakas.

Nalungkot siya. Kaya, pinangiti ko siya. Hinabol ko siya para kilitiin hanggang nakapanggulo kami kina Jeoff at Karryle. Nauwi pa sa pillow fight ang lahat.

Sobrang saya kanina. Sulit..

Bukas ay pabalik na kami sa Manila. Bitin pero ayos lang. Naging masaya rin naman ako kahit paano. Nagawa ko na ang dapat para sa mahal ko. Buo na uli ang puso ko.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...