Followers

Friday, April 3, 2015

Hindi Mula sa "Nothing" ang Mundo

Mahalaga ang Science sa mundo, dahil dito natin nalalaman ang mga pinagmulan at katangian ng mga bagay sa mundo. Ito nga ay isa sa mga major subjects sa elementary at secondary level. Ibig sabihin, ito ay nararapat nating aralin o pag-aralan.

Subalit hindi pala lahat ng kaalamang itinuturo sa atin ay katanggap-tanggap. May mga aralin sa Science ang lumiliko sa katotohanan.

Sabado de Gloria 2015. Pagbukas ko kaagad ng telebisyon ay narinig kong winika ni Bro. Eli na "Lahat ng naniniwala sa theory ay stupid!"

Tinulot ng Diyos na mapanuod ko ang palabas na iyon. Hindi iyon ang channel na gusto kong panuorin. Hindi rin siya ang pastor na gusto kong pakinggan. Ngunit, iyon ang kagustuhan ng Panginoon nabuksan ang isip ko.

Ilang taon din akong nabulag sa paniniwalang ang Big Bang Theory ay totoong naganap sa kalawakan. Nakalimutan ko ang existence ng Diyos.

I love Science! Pero, I believe in God. Hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala ang creation at ang Tagapaglikha ng mundo over theory, na sinabi nga ni Bro. Eli na isang "stupid, insensible and idiot".

Tama si Bro. Eli. Isang malaking kabulastugan ang teoryang ito. Hindi galing sa 'nothing' ang universe natin. Ito ay nilikha ng tunay na inhinyero at arkitekto. Ito ay hindi nabuo 'by accident' dahil kung aksidente lang ang pagkakaroon ng mga galaxies and stars, maganda pala ang dulot ng aksidente. Samantalang kapag may aksidente, may nawawasak, may nasusugatan, may namamatay.

Ang Big Bang Theory ay isang teorya. Hindi ito katotohanan. Kaya hindi dapat paniwalaan. Liko ito sa kasulatan.

Ngayon, magiging matalino na ako sa pagtanggap ng kaalaman tungkol sa agham o pinagmulan ng bagay sa mundo. Kapag, naisasantabi ang Diyos, hindi ko ito paniniwalaan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...