“Mag-usap nga tayo, Bro!’’ pabulong
kong sabi kay Jeoffrey habang naghihintay kami ng performance kagabi.
Pinahalata ko sa kanya na galit ako.
Hindi agad siya sumunod sa akin
palabas. “Tungkol
saan?”
Kailangan ko pang huminto at
luminga. “Tungkol
kay Dindee!”
Hinintay ko siya sa labas ng
bar.
“Tungkol kay Dindee? Bakit? ‘Musta kayo?” Naplastikan
ako sa pagkasabi niya.
“Hindi ba, alam mo namang hindi kami okay? Ang
sarap nga ng usapan ninyo kahapon, ‘di ba?”
“A, ‘yon ba? Wala ‘yon! Huwag kang magselos. ‘Di ba
sinabi ko na naman sa .’yo na..”
“Gusto kong maniwalang walang namumuong pagtitinginan
sa inyo, Jeoff.”
“Wala naman talaga, e!” Nag-alsa
siya ng boses.
“Sige! Wala kung wala. Lord, patawad!
Pinagbintangan kita. Pero, sana, lubayan mo siya. Nagseselos ako.”
Natawa siya. “Hindi puwede.
Kaibigan ko siya.”
“Kaibigan? Kailan lang kayo nagkakilala. Ang close na
ninyo agad. Ibang klase ka!” Tinalikuran ko na siya. Pumasok
na ako sa bar. Ni wala na akong narinig mula sa kanya. Natamaan yata. Buwisit!
Kaninang umaga, nakatanggap na
ako ng text mula kay Dindee. Imbes na ikatuwa ko dahil nagparamdam na siya,
hindi ko naman puwedeng ikasiya. Ako pa ang lumabas na masama. Nagsumbong na
ang gunggong na si Jeoffrey. Inaway akong lalo ng girlfriend ko. Sheet! Ang
labo ng mga taong ito! Ako na nga ang pinipindiho, ako pa ang masama.
Mabuti na lang holiday ngayon.
Nagkuwento ako kina Mommy at Daddy. Nakapag-release ako ng sama ng loob.
Ang payo ni Daddy, hayaan ko muna si Dindee. Marami pa naman daw babae sa
mundo. Si Mommy naman, kakausapin niya raw uli.
Nawawalan na ako ng pag-asa.
Naka-text ko si Riz. Natuwa ako
sa mga jejemon text messages niya, kaya reply ako nang reply. Naikuwento ko
tuloy ang pinagdadaanan ko. Sabi naman niya, hindi naman masalimuot ang
nangyari sa akin, kumpara sa pinagdaanan niya. Until now, hindi pa rin siya
maka-move on. Salamat na lang daw at patuloy akong nakikipag-communicate sa
kanya. Kahit paano ay nakakalimot siya, kahit sandali.
Sana nga, kami na lang…
Tama siya, andami kong
pinalampas.
No comments:
Post a Comment