Followers

Tuesday, April 14, 2015

Keso de Bolero

Dahil sa hirap ng buhay, madalas ay wala kaming handa kapag Pasko o Bagong Taon. Kung meron man, hindi ganun kasasarap ang mga pagkaing inihahanda namin. Hindi  masasabing pangmayaman o pangsosyal na handa.

Kailan lang ako nakatikim ng keso de bola.

Hindi na iyon Pasko nang una akong makatikim. Antagal na kasi niyon sa ref. Nacurious lang ako kung ano ang lasa niyon. Kasi pag di mo talaga nakasanayang kainin, hindi mo siya papansinin. E, tiyempong wala akong makain nung panahong iyon, kaya humiwa ako ng maliit.

Pwe! Nailuwa ko. Ang pangit pala ng lasa ng keso de bola! Bakit nahihilig ang mga mayayaman sa kesong 'yan?, tanong ko pa sa sarili ko. E, hindi naman masarap. Lasang floorwax! Kaya pala ibinigay ng tiyahin ko sa amin, dagdag ko pa.

Malaman-laman ko, hindi naman pala kinakain ang pulang iyon. Wax talaga pala iyon. Ang dilaw na bahagi ang edible.

S**t! Muntik ko nang isumpa ang bolang 'yan. Ang hirap madaya. Ang sakit mabola. Para akong babae na mabola ng lalaking bolero.  Hehe.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...