Followers

Thursday, April 30, 2015

BlurRed: Burol

Iyak nang iyak si Jeoffrey kagabi habang nagkukuwento sa akin. Namatay kasi ang tito niya o kapatid ng kanyang ina.

Hindi na nga nabigyan ng hustisya ang mga kantang inihanda namin. Pati ang pag-drums niya ay apektado.

Ang laki kasi ng problema niya, lalo na ng kanyang ina.

Nag-iisang kapatid ng kanyang ina ang Tito Rene niya. Binata. Pero, naliko ng landas. Napasok sa pandurugas. Labas-masok na nga sa kulungan. At kagabi, nabaril siya ng mga pulis dahil sinubukang tumakas nang masukol sa isang operasyon niya.

Nakakalungkot. Masalimuot ang buhay ng tito niya. Kaya naman siya naiiyak dahil apektado siya sa mga gastusin.

Bilang kaibigan niya, pinakalma ko ang damdamin niya. Sabi ko ay humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay at barangay. Inalok ko rin ang serbisyo ko. Pwede akong maging serbidor at entertainer. Natawa siya pero malungkot pa rin.

Pagkatapos kong magperform, dumiretso na ako sa bahay nila. Wala doon ang lamay. Napag-alaman ko na nasa barangay hall pala nakaburol. Doon ako pumunta.

Sa lamay ay wala naman akong naitulong physically. Moral support na lang ang ginawa ko. Pinatawag ko na lang si Dindee. Kahit paano ay naibsan amg kalungkutan niya. Iba pala ang nagagawa ng boses niya. Narinig lang siya ay parang naglaho lahat ang sakit.

Dumating din, bago ako umuwi, si Boss Rey. Nagbigay siya ng limos. Sa harap ng ataul, kinausap niya ang nanay ni Jeoff. Sunod naman niyang kinausap ang kaibigan ko. Kung ano man ang pinag-usapan nila, hindi ko na alam. Ang alam ko ay nakalamay na ang puso niya nang nagpaalam akong umuwi. Pagkatapos iyon na umuwi ng boss namin.

Napatunayan kong nagtutulungan pa rin ang mga Pilipino sa oras ng kagipitan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...