Followers

Thursday, April 23, 2015

Double Trouble 34

DENISE' POV

Caught-in-the-act kami ni Dr. Esperanza Lopez, ang matandang dalagang principal ng school namin. Nakatayo ako't nakaturo ang ballpen kay Kuya, habang ang mga salitang 'love triangle' ay isinisigaw ng mga kaklase namin.

"What's happening here?!" yamot na sigaw ng matanda. Nakapamaywang pa ito nang pumasok sa classroom. "Who's your teacher?"

"Si Mrs. Campores po!" chorus na sagot ng mga asungot.

Natameme kaming magkapatid. Napaupo ako. Napayuko naman si Kuya.

"Where is she?" Nasa gitna na ang principal.

"Nag-CR po," nanginginig sa takot na sagot ng kaharap ng punungguro. Itinuro kasi siya.

"Who's the culprit?" muling sigaw na tanong niya. Nakatingin siya sa akin.

Walang sumagot.

"Who's the culprit?" Mas malakas. Mas mabalasik. "Who's the culprit? Sino'ng pasimuno?"

Itinuro ng mga lalaki si Kuya. Itinuro naman ako ng mga babae, maliban kay Krishna. Kakatwa kahit natatakot na ako.

"You. And you, see me at the office.'' She looked at me scornfully. Then, lumabas siya ng silid. Tanging takatak ng mga takong niya ang aming narinig.

Pinakinggan ko iyon hanggang unti-unting naglaho sa ere. Hindi pa rin ako makakilos sa aking kinauupuan. Parang andaming anghel ang dumaan sa harap namin, samantalang tila demonyo ang dumating.

Isang malakas na tawanan at pangangantiyaw ang nagpaggising sa aking ulirat.

Si Kuya, nakita kong namutla. "Ikaw kasi!" paninisi ko sa kaniya. "Paano `to?'

"Ako ba? Ikaw ang tumayo, e. Ayan tuloy! Paano nga ba?"

"Yari kayo! Yari kayo!" pabulong na pang-aasar sa amin ng iba, lalo na ng mga lalaki.

Sinaway naman sila ni Krishna, na napansin kong balisa rin dahil sa pangyayari.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...