Followers

Monday, April 6, 2015

BlurRed: Ang Labo

Miss na miss ko na si Dindee. Bawat sulok ng bahay ay parang nakikita ko siya. Ang kuwarto niya, parang naamoy ko siya. Tindi!
                Tapos, ininggit pa ako ni Karrylie sa text. Buwisit! Magkasama raw silang mag-motor. Nag-roadtrip lang. Sayang! Sana ako na lang ang kasama niya.
                Si Jeoffrey rin, katext daw niya ang girlfriend ko. Litsugas! Mabuti pa siya tini-text niya o nirereply-an siya. Ako, ilang beses na akong nag-send ng messages, wala ni isang text. Panay rin ang tawag ko, ayaw naman niyang sagutin.
                Biniro ko nga si Jeoffrey, na baka sila ang magkatuluyan. Minura pa ako. Kaibigan lang daw ang turing sa kanya ni Dindee. Naisip ko, paano kung ma-develop?
                Bahala sila! Gusto nila 'yon, e.
                Pero, sana huwag naman. Mahal ko siya. Akin lang siya.
                Dinaan ko na lang sa emo songs ang pagka-miss ko sa kanya. Mabuti na lang, wala sina Mommy at Daddy. Tiyak, aasarin na naman nila ako.
                Ang sarap sanang kumanta at maggitara. Kaya lang, naputol ito nang mag-text Si Riz. Nangungulit. Dalawin ko raw siya. Busy ako, sabi ko. Nagpa-practice ako ng tutugtugin ko sa bar. Ayaw pa ring paawat. Inalok pa akong sa bahay na lang nila ako mag-practice. Kakaiba si Riz. Nagiging possessive yata. Parang naaasiwa ako. Pero, sana nagkakamali lang ako. Sana ay naglalambing kang siya o dahil gusto niyang makalimot sa pinagdadaanan niya.
                Gusto kong makatulong sa kanya. Kaya lang, hindi sa kanya umiikot ang buhay ko. May sarili akong problemang dapat harapin. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kalungkutan.

                Ang labo! Ang hirap unawain ng pag-ibig.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...