Followers

Sunday, April 26, 2015

BlurRed: Renta

Pagpasok ko kagabi sa bar,  saka naman ang paglabas ni Jeoffrey mula sa opisina ni Boss Rey. Malungkot siya, pero pilit niyang pinasaya ang pagngiti niya nang makita niya ako.

Hindi siya lumapit sa akin. Sa kanyang mga kabanda siya lumapit. Wala naman akong ideya kung bakit suya pumasok sa office. Pagkatapos nilang tumugtog, hindi na rin kami nakapagkuwentuhan dahil agad silang umuwi na. Sumenyas lang siya na siya ay aalis na. 

Nahulaan ko na may problema siya, pero di ko alam kung ano.

Kaninang umaga ko lang nalaman nangutang siya kay Boss Rey ng apat na libong piso para sa dalawang buwang renta ng bahay nila. Pinapalayas na daw kasi sila. Mabuti at pinautang siya ni Boss.

Sa sobrang awa ko, naisip kong bigyan pa siya ng extra income. Gusto kong siya ang kumanta at ang maggigitara. O kaya ay duet kami. Hati din kami sa bayad. Tig-500. Masyado namang malaki ang income ko. It's better to share than to accept. Hehe.

Ang problema baka di pumayag si Boss Rey. O maaaring di magustuhan ng mga customer.

Bahala na! Susubukan muna namin.

Pinapunta ko siya sa bahay. Kaya lang ayaw siyang payag ang kanyang ina. Aayusin daw kasi nila ang mga gamit nila. Nag-empake kaso sila kagabi. Akala nila ay tuluyan na silang aalis. Kailangan nila ayusin ang mga ito.

Sabi ko, ako na lang ang pupunta. Payag siya. Binigay niya sa akin ang direksiyon. 

Nang marating ko ang tahanan ni Jeoffrey at ng kanyang pamilya, nasabi kong mas masuwerte pa rin ako sapagkat hindi ako nakaranas tumira sa ganun kasikip at kaliit na tirahin at ganun katao, kaingay at kaduming paligid. 

Awang-awa ako sa kalagayan nila. 

"Ikaw pala si Red. Pasensiya ka na sa bahay namin ha? Uy, Michelle, manghiram ka nga ng pitsel sa kabila at magtitmpla tayo ng juice." Natataranta ang nanay nila.

"Huwag na po, Nay! Nagmeryenda na po ako sa bahay." tanggi ko. Ako naman ay nakakaunawa pa.

"Sigurado ka? Alam mo, madalas kang ikuwento ni Jeoff. Ang bait mo daw. Halata naman sa'yo, anak. Hay, naku itong si Jeoff, sabi ko nga, huwag na siyang gumala para magamit pa yung pera. Yan tuloy! Muntik na kaming mapalayas! Alam mo bang nagkandabaon-baon kami sa utang mula nang sumakabilang-bahay na ang tatay nila. Letseng iyon! Ni hoy, ni hay, wala! Yan si Jeoff, kung hindi natutong magtambol, sigurado dilat na ang mga mata namin sa gutom. O kaya, nagidldil kami ng asin, umaga't hapon.." 

''Ma, tama na. Nakakhiya kay, Red. Andami niyo nang sinabi.'' Natawa ako sa mag-ina.

"Okay lang, Jeoff. Cool nga ng Mama mo, e."

"Yun naman pala, e. Hayaan mo 'yang kaibigan mo, Red. Alam mo, kung may tatanggap nga lang na kompanya sa akin, magtrabaho na ako. Ang hirap ng walang trabaho. Hindi mo na maitatanong dati akong sales lady sa department store. Kaso, may edad na ako, wala nang tatanggap pa sa akin. Iyan ang hirap dito sa Pilipinas, e.. Porke't matanda na ay wala ng..."

"Ma, aalis po muna kami ni Red!" Tila napahiya si Jeoff kaya biglang nagyaya. Ang plano namin ay sa bahay nila kami mag-eensayo.

"Uy, ano ka ba? Nagkukuwentuhan pa kami ng kaibigan mo. Ngayon na nga lang siya dito, ilalayo mo pa. Saan ba kayo?"

Hinila na ako ni Jeoffrey, palayo sa putak na putak niyang ina.

"Dito na po kami." sabi ko. Kumaway pa ako.

Nakakatawa. Parang walang problema silang pinagdadaanan. Kaya pala si Jeoffrey, amg daldal din. 

Sa may abandonadong gusali kami napadpad ni Jeoffrey para maghanda ng ipi-perform namin mamaya. Siya ang pinapili ko ng mga kanta, tutal siya naman ang magiging vocalista.

Hanggang alas-sais lang kami nag-practice ahil mayroon din silang practice. 

Masaya akong umuwi sa bahay. Alam ko, malaking tulong para sa pamilya niya ang ginawa ko. Nabawasam man ang kita ko, nadagdagan naman ang kaligayahan ko. Ang sarap tumulong, hindi dahil meron ako o sobra ang biyaya ko, kundi dahil may mga taong dapat tulungan. 








No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...