"Biglaan yata ang balik mo sa Maynila, apo." Nahihirapan mang
magsalita ay naunawaan ko ang kalungkutan ni Lolo sa kanyang tinig.
"Hindi ka man lang inabutan dito ng isang linggo." Si Lola naman ang
nagsalita. Kamukhang-kamukha talaga niya si Mommy kapag nagtatampo siya.
"Sorry po. Namatay po kasi ang tatay ng.. ng girl friend
ko." Kailangan kong sabihing girl friend, kahit hindi pa, para maunawaan nila
ako. Tapos, naglungkot-lungkutan ako.
"Hay, Diyos ko! Kailangan talagang makabalik ka kaagad doon, iho!
Kailangan ka niya ngayon." Biglang kambiyo si Lola.
Pilit kong itinago ang tawa ko. Sumubo na lang ako ng kanin para di ako
matawa.
Nasa biyahe na ako pabalik sa Manila nang maalala kong itext si Jake.
Sinabi kong pabalik na ako.
Nag-reply siya, isang oras ang lumipas. "Dp rn aq mkPsok
s bar, kua. Glit2 prn skN c LemaR."
"Cge lnG. Aqng bhla. MgkTa tyO s bhaY. Txt kta pg anDun n
aq."
"cge kuA"
Pinilit kong umidlip sa biyahe. Pagdating ko sa Manila ay tiyak na
mapapasabak ako sa pagtulong sa mga kaibigan ko at sa pakikiramay sa pamilya ng
aking mapapangasawa.
Pero, hindi ako makatulog. Samu't saring isipin ang gumulo at naglaro sa
utak ko. Nainip nga ako sa biyahe. Pati tuloy si Romina ay nagsumiksik sa alala
ko. Bumalik sa akin ang sarap at libog na dinulot niya sa akin. Natawa din ako
nang maalala ko ang huling nangyari. Naisip ko, mabuti na rin iyon. Baka
hanap-hanapin niya pa ako. Ayoko ring tuluyang magkasira sila ni Kuya Ador.
Isang malaking insulto sa kanya kapag malaman niya. At sa tingin ko,
hindi sila bagay sa isa't isa. Marupok si Romina. Si Kuya Ador naman ay mataas
ang respeto at tiwala sa kanya. Patawad na lang dahil ako pa ang naging dahilan
o magiging dahilan.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Napakalibog ko...
No comments:
Post a Comment