Hindi man gaanong marami ang customer kagabi nang tumugtog o nagtandem kami ni Jeoffrey, nagustuhan naman ng mga naroon ang performances namin. He never fails me. May ibubuga talaga siya. Sabi nga ng lead vocalist ng banda niya muntik tatalunin siya ni Jeoff. Nagbibiro siya lang pero sa tingin ko totoong biro.
Ang sarap tulungan ni Jeoffrey. Nagsusumikap. Nang nagtext nga kami ni Dindee, sabi niya ay hikayatin ko daw na ipagpatuloy niya ang pag-aaral niya. Tutal naman daw ay gabi naman ang trabaho niya at ilang oras lang.
"Oo nga, no?! Cge hayaan mo. Ggawin ko 'yn." sagot ko. Tapos, nabanggit ko rin ang pag-aaral niya.
Desidido na raw talaga siya. Medyo nairita nga sa tanong ko. Paulit-ulit daw ako. Nag-sorry na naman ako kahit wala namang masama sa ginawa ko. Haist! Ang hirap talaga! Ang labo niya lagi. Big deal ba yun? Nagtatanong lang naman.
Bahala nga siya! Kung ayaw na niya akong makasama sa bahay, ayos lang. Siyempre, kami pa rin naman. Distance lang ang hadlang.
Kanina, habang nagpapractice kami ni Jeoffrey, tinanong ako ni mommy. "Red, hindi ka ba napapagod? Supposedly, bakasyon mo pero naghahanapbuhay ka. Hindi mo naman kailangang..."
"Ayos lang naman po. Masaya naman po ako..kami!" Tinuro ko pa si Jeoffrey tapos nginitian niya si Mommy.
"I mean, baka gusto mong i-consume ang summer sa pag-rerelax."
"Hindi na po. Galing na po kami sa Aklan. Di ba po. Okay na po yun. Di ba, Jeoff?"
Nagulat si Jeoffrey. " Ah. Opo! Okay na po yun. Trabaho naman po."
"Saka, nag-iipon po kami ni Jeoff. Ako po ay may gustong bilhin. Siya po ay gustong mag-aral uli. Di ba, Bro?!" Hinampas ko pa ang binti niya kasi nagtataingang-kawali siya.
Ikinagulat niya iyon. Hindi siya nakapagsalita. Napakamot lang sa batok.
"Mabuti 'yan, Jeoff. Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata sa buhay. Ipagpatuloy mo. Walang rason para hindi ka makatapos. Maraming paraan."
Tumango-tango lang siya. At pagkaalis ni Mommy, tawa ako ng tawa.
"Ayan, masabi-masabi ha? Wala ng bawian." sabi ko.
"F**k you! Lakas mong mangtrip."
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment