Followers

Thursday, April 23, 2015

BlurRed: Desisyon

Alas-diyes na kami nakauwi kagabi. Andami kasi naming napagkuwentuhan ni Tita Lourdes. Niyaya niya ako sa sala habang ang tatlo ay nagba-bonding sa kuwarto.

Then, sabi ni Tita, "Natutuwa ako dahil naging maayos ang pagtira ni Dindee sa bahay niyo. Pakisabi sa Daddy at Mommy mo, maraming-maraming salamat sa kanila.."

Tumango ako.

"..At sa'yo din. Alam mo? Kampante akong sa inyo tumira ang unija hija ko, gayundin ang Daddy niya." Kinuha niya ang palad ko at kanyang ginagap. " Red..tatapatin na kita.."

"Ano po 'yun?" Medyo, kinabahan ako. 

"Hindi ko na papayagan pa na doon mag-aral si Dindee sa Manila. I'm sorry.."

Hindi agad ako nakasagot. Nakatitig ako sa kanya ng ilang segundo. "Po? Bakit naman po?"

"Red, binata ka na. Dalaga na ang anak ko.."

Na-gets ko agad ang nais niyang sabihin. "May disiplina po kami sa sarili namin, Tita." depensa ko. 

"I know..but to make sure, kailangang iwasan natin. Anak, hindi sa ayaw ko sa'yo o ayaw ko kayong maging magkasintahan. It's just that mahirapan panghawakan ang self-control. His father and I have a dream for our daughter. I know your parents, too, para sa'yo. I'm sorry again, Red. My decision is final. Hindi pa ito alam ni Dindee. But, tomorrow as you leave, I want you to say goodbye to her. Anyway, Aklan is oceans away. Besides, technologies are there for your faster communication." She smiled and patted the back of my palm, bago niya ito ibinalik sa akin. 

I understand her. Wala naman talaga akong karapatang hadlangan ang kagustuhan niya. Sana lang din ay bukal sa loob ni Dindee ang desisyon niya. Hindi ko na rin sakop na hadlangan siya kung sakaling takasan na naman niya ang kanyang ina, para sa akin. 

"It's okay, Tita!" turan ko. Yumuko ako para ikubli ang kalungkutan. 

Pero, hindi iyon lingid sa kanya. Tumabi siya sa akin at niyakap ako. "Red, don't be sad. Kayo pa rin ni Dindee. Gawin niyo na lang inspirasyon ang distance niyo. Ha?" Pinilit niya akong tumingin sa kanya by lifting my chin.

Napilitan din akong tumango at ngumiti.

"Ayan! Ngumiti ka na. Ang gwapo-gwapo mo pag nakangiti ka tapos sisimangot at malulungkot ka lang. It's okay! Hayaan mo, lagi kong paaalalahanan si Dindee na tawagan ka para di mo siya ma-miss."

Ganyan ang nangyari kagabi. Madrama. Tsk tsk. 

Tapos, kanina sa bahay, drama uli. Umiyak pa si Lola bago ako nakaalis. Mamimiss daw niya ako. 

Si Lolo naman ay panay ang bilin. Next time daw isama na namin si Daddy para complete family kami. Andami rin niyang nilutong baon.

Sa terminal ng bus naman, drama din. Nagkaiyakan pa kami ni Dindee nang magpaalam ako sa kanya. Tanggap na niya na hindi na siya sa Manila mag-aaral kaya lang di niya matatanggap na hindi na sila magkakasama araw-araw. 

Nagbilin din siya kay Jeoffrey. Alagaan daw niya at bantayan lalo na kay Boss Rey. Nagulat ang kaibigan namin. 

"Hala! Bakit?" maang na tanong ni Jeoff.

"Basta. Sa Red na magkuwento sa'yo. Bye, ingat kayo!" si Dindee.

Nag-kiss na si Dindee sa akin at kumaway.

Si Karryle, walang nasabi. Kumaway na lang siya at tumingin kay Jeoffrey. Makahulugang tinginan ang naganap sa pagitan nila. Nag-act out pa na parang nagtetext. 

Nakakalungkot talaga ang magpaalam. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...