Gusto kong magbigay ng aking opinyon or should I say, I just want to think out loud, tungkol sa trending na pagkakaroon ng boses bata sa kantang 'Thinking Out Loud' ni Ed Sheeran.
Mali!
Walang multo habang nire-record ang kanta. Bunga lamang ito ng ating imahinasyon o kaya manipulasyon ng iba para sila ay kumita o sumikat.
Maraming kapaki-pakinabang na bagay na dapat nating atupagin. Hindi ang mga walang kalatoy-latoy na isyu.
Business is business, ika nga.
Naging biktima ako ng ganitong issue, way back sa Eraserheads years. Nabalitang may nakatagong boses daw sa music nila. Mga boses demonyo ang iba. Nagmumura o nagsasalita ng masama ang iba. Dahil fan ako nila at may cassete tapes akong nabili, sinunod ko ang instruction na pinayo nila. Kung gusto daw marinig ay baligtarin mo ang tape. Tinatawag itong 'back masking'.
Hindi ko napatunayan. Walang boses sa likod niyon dahil nasira ang tape ko. Bwisit! Ang back masking pala ay perwiso.
Ang negosyo ay negosyo. Dahil nasira ang tape, bibili ka ulit.
Since walang nang tape ngayon CD na lang at radyo ang source ng music, nagagawa pa ring makapanloko ng iba, through youtube. Mas marami nga namang views, mas malaki ang return sa kanila. Sumikat na ang kanta. Sumikat pa sila.
Think about it. Not loud. Silent lang.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment