Followers

Wednesday, April 8, 2015

BlurRed: Karakas

Desidido na nga akong magbakasyon sa Aklan para makasama si Dindee at para manumbalik ang pagmamahal niya sa akin, mapatawad na rin. Maghapon nga akong nag-practice para sa gig ko mamayang gabi. Sa unang pagkakataon, tutugtugin ko ang kanta ni Daniel Padilla na “Simpleng Tulad Mo.” Dedicated ko ito sa kanya, kaya kailangang paghusayan ko. Kakantahin ko rin ang kanta ni Yeng na ‘Ikaw’ at ang “She Will Be Loved” by Maroon 5.

Nang ma-master ko na ang tatlong kanta, nag-Facebook naman ako. Ang balak ko ay silipin lang ang activities doon ni Dindee. Maba-bad trip lang pala ako. Paano ba namang hindi? E, friends na sila ni Jeoffrey at ginawa nilang  chatbox ang status update ni Dindee na “Almost over you..”

Nakakainis! Ginagatungan pa ni Jeoffrey si Dindee. Imbes na hikayatin ang girlfriend ko, na kausapin ako. Mukhang mas gusto pa niyang maghiwalay kami nang tuluyan. Buwisit! Akala ko pa naman ay mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi pala.

Hindi ko tuloy napigil ang sarili ko. Nag-comment din ako. Sabi ko: “Over na ba? Siguro ay nakahanap na ng iba.” Naghintay ako ng reply. Wala. Alam ko online silang pareho.

Ilang minuto rin akong nakatitig lang sa mga comments doon hanggang mag-notify ang PM ni Riz. Aniya, “Musta, Red?”

“Bad trip ako, Riz!” sagot ko.

“Sana hindi sa akin...”

               Hindi na sana ako mag-rereply. Kaya lang nagtanong pa siya.”Kanino, Red?”

Nagtapat ako para mawala ang galit ko kay Jeoffrey at tampo kay Dindee.

“Alam mo, Red, noon pa lang, nakitaan ko na si Dindee ng kalandian. Hindi sa sinisiraan ko siya. Sorry, pero iyon talaga ang impression ko sa kanya.”

“Okay lang. Sana, nagkakamali ka lang.”

“Sana nga, Red... pero, paano kung hindi? Imagine, wala namang rason ang tampuhan ninyo.”

“Kaya nga, e.” Totoo naman ang sinasabi niya. Wala naman talagang malalim na dahilan ang tampo niya sa akin. Bakit hindi niya ako mapatawad?

“Mag-isip ka, Red. Marami na ang nasayang... ang lumampas.”

Na-gets ko ang tinuran niya. Alam ko, tinutukoy niya ang naudlot naming pagmamahalan. Pati nga ang pagkababae niya ay nawala na rin dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Leandro. Bigla ko rin tuloy naisip na baka mangyari rin kay Dindee ang nangyari sa kanya. May pagkapalikero rin ang karakas ni Jeoffrey. Hindi malayong gamitin lang siya nito.

Birhen pa si Dindee. Maharot lang siya manamit. Ayaw kong maranasan niya ang karanasan ni Riz. Kaya, kailangan kong umaksiyon. Ilalayo ko siya kay Jeoffrey.  Mamayang gabi, kakausapin ko siya sa bar. Masinsinan.

“Salamat, Riz. Hayaan mo, pag-iisipan ko. Bye.” Hindi ko na hinintay ang reply niya. Nag-logout na ako. Ang sama kasi ng loob ko.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...