Followers

Tuesday, April 7, 2015

BlurRed: 5k

"Hello, Dee?!" Nakontak ni Mommy si Dindee. "Kumusta ka na?"
                "Mabuti naman po ako, Tita Remy. Kumusta rin po kayo?"
                "Ayos lang din."
                Naka-loud speaker ang cellphone ni Mommy, kaya naririnig ko ang usapan nila.
                "Namasyal po ako noong isang araw sa bahay ninyo. Miss na raw po kayo nina Lola. Pinatatanong nga po kung magbabakasyon kayo."
                Andami pa nilang tanungan at sagutan. Pero, ang hinihintay kong sagot, wala. Tinanong siya ni Mommy kung nag-uusap na kami. Ang sagot niya ay "Wala po siyang time para sa akin."
                "Naku, hindi 'yan totoo. Sabi niya sa akin kagabi ikaw lang ang nasa isip niya." Kumindat pa sa akin si Mommy.
                Natawa lang si Dindee. "Paano po, Tita? Nagmomotor po kasi ako. Nagpapaalis ng stress. Kumusta ka po pala ni Mommy."
"A, mabuti kamo. Dee, ingat ka sa pagmomotor. Bye!"
"Bye po, Tita!"
Nalungkot kaming pareho ni Mommy.
"Narinig mo naman, anak. Wala ka raw time sa kanya. Siguro nga ay dapat mo na siyang sundan sa Aklan."
Natuwa ako. "Talaga po, Mommy?"
"Oo, pero, gastos mo. Ang pera kasi namin ng Daddy mo ay ibibili ng materyales para maayos ang CR natin. Papalitan ng tiles."
"Okay lang po, Mommy. Thanks!" Kiniss ko pa si Mommy sa sobrang tuwa.
Ilang gabi ko lang itutugtog iyon sa bar. Kaso, kailangang magsabi na ako kay Boss Rey. Gabi-gabihin ko na ang pagtugtog.
Nang tinawagan ko, ayaw niyang sagutin. ‘Di bale, bukas na lang. Tinext ko na lang siya.

Kailangan ko ng at least 5k. Limang gabi lang iyon.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...