Followers

Wednesday, April 8, 2015

Pambakla Daw

Nag-grocery kami ng apat na taon kong anak. Two years ago, nakasakay lang siya sa cart, habang kami ng Mama niya ang tumutulak. Ngayon, siya na ang tumutulak ng cart. Hindi nga lang malaman kung saang direksiyon patungo. Nakakatuwa.

Pero mas nakakatuwa nang kumuha ako ng shampoo na kulay green (Pa***live). Dati kasi H and S ang shampoo ko. Sabi niya, "Pambakla!" Hindi naman ako naasar. Natuwa nga ako dahil in his age, alam na niya ang gender ng shampoo. Hehe

"Pambakla pala, ha!? Sige wag kang magsashampoo ha. " biro ko naman. Wala na siyang reaksiyon. Tapos, kumuha naman ako ng facial cleanser (Ma***r). Tinanong ko siya kung pambakla. Hindi daw. Alam niya. Binibiro ko lang. Inulit-ulit ko pang ang salitang 'pambakla'. Inulit-ulit niya rin ang paghihindi.

Matalinong bata. Nakakatuwa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...