Hindi man sumama sa beach sina Lolo at Lola, naghanda naman sila ng biko, pansit at buko juice para ipabaon sa aming magpipinsan.
Nagdala rin si Karryle ng kanin at tubig. Si Dindee ay bumili na lang ng softdrinks, chips at inihaw na chicken.
Andaming pagkain. Pito lang naman kami--- ako, si Dindee, si Jeoffrey, si Karryle at ang mga pinsan kong grade schoolers.
Si Karryle ang nakatuka sa pag-aasikaso at pagbabantay sa kanila. Malilikot daw kasi.
Hindi na kami nag-Boracay. Matao kasi doon ngayon. Naghanap kami ng medyo private. Gusto ko ang may konting privacy para malaya kami.
Alas-onse na kami nakapasok sa isang beach resort. Sinagot ko na ang entrance at cottage, tutal libre naman ang pagkain ko. He he.
Ang sarap ng kainan.
Wala ding puknat ang kislap ng camera ni Dindee bago kumain, habang kumakain at pagkatapos kumain. Siya ang photographer, minsan si Karryle. Hindi mawawala ang wacky. Hindi rin siyempre mawawala ang kuha naming dalawa ni Dindee. This time, mas showy siya sa kanyang pagmamahal sa akin. Hindi siya nahihiyang akbayan o yakapin ako habang nagpapalitrato. May kuha pa nga kaming para kaming modelo sa daring na billboard ng pelikula.
Nakakaakit ang suot ni Dindee. Kahit hindi niya tinanggal ang manipis niyang kasuotan na parang fish net, ay halata pa rin ang magandang hubog at kinis ng kanyang katawan.
"Red, swimming na tayo. Magpalit ka na." Hinila na ako ni Dindee.
Ayoko pa sana kasi pinagmamasdan ko pa sina Karryle at Jeoffrey habang masayang nag-uusap sa may dalampasigan, kaya lang hindi ko pwedeng biguin ang gf ko.
Nagtanggal ako ng damit at short pants. Naiwan ang red swimming trunks, na sinuot ko nung pageant.
Napa-wow si Dindee. "Oh my gosh! You're my Campus Personality na!" Halos tumili siya. Tapos, hinila niya ako patungong dagat. Nang malapit na sa mga kasama namin, nagsalita siya na parang host. "Presenting, Mr. Campus Personality 2014, in his red bikini!"
Imbes na magtawanan ang mga pinsan ko at si Jeoffrey, wala silang nasabi. Nahiya tuloy ako.
Nang lumusong na kami sa dagat, saka lamang sila nagsalita.
"Astig, Bro! Nakakabakla. Hehe!" si Jeoffrey.
"Panalo ka talaga, Kuya Red." sabi ng isa.
"E di, wow na wow!" si Karryle.
Wala din akong nasabi kaya nginitian ko na lang sila at lumangoy ako palayo. Nang bumalik ako, niyaya ko naman si Dindee na yumakap sa likod ko para pumunta kami sa malalim na bahagi.
Pumayag siya.
Doon ay nag-usap kami. Nilinaw niyang lahat ang tungkol sa kanila ni Jeoffrey. Wala namang namagitan sa kanila. Inutusan lang naman daw talaga niyang manmanan ako o bantayan dahil malapit ako sa kapahamakan.
"Sorry, Dee kung pinag-isipan ko kayo ng masama.."
"Wala 'yun! Ang mahalaga ngayon ay nagawa mo ang pagsubok ko. Salamat! Mahal mo nga ako." Niyakap niya ako. Nagdikit ang aming mga dibdib. Nakadama ako ng init.
Kumawala ako. "Dee, gagawin ko ang lahat para sa'yo.." Tapos, nagyakap uli kami. Sunod ay dumampi ang mga labi ko sa batok niya.
Malapit na sana ang mga labi ko sa labi niya nang sabuyan kami ni Jeoffrey ng tubig-dagat.
"Bwisit ka, Jeoff!" Nagsabuyan tuloy kaming lahat at nauwi ito sa larong "Mahuli Taya".
Nang mapagod, umahon kaming lahat at lumamon na naman. Nang mabusog, nag-request sila ng kanta mula sa akin dahil dala ko ang gitara.
Nakatatlong kanta yata ako nang inirekomenda ko si Jeoffrey. Sabi ko maganda din ang boses niya.
"Go, Jeoff! Go, Jeoff!" Nag-cheer pa si Karryle.
Pinaunlakan kami ni Jeoff. Kinanta niya ang favorite song niya na 'Because Of You'.
"Because of me?" pabirong tanong ni Karryle pagkatapos niyang kumanta. I know, may ibig siyang ipakahulugan.
"Pwede! Pwede!" Si.Dindee ang suamgot. Pumalakpak pa. "Bagay kayo!"
Namula si Jeoffrey. Tinitigan ko naman ng masama si Karryle. Pumi-flirt e. Nakakainis. Kahit sana may crush, basta wag garapal.
Gayunpaman, ang saya ng outing namin. Puro kainan, biruan, laro, ligo, tawanan at kantahan.
Followers
Tuesday, April 21, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment