Followers

Monday, April 13, 2015

BlurRed: Insensitive

Sa MusicStram, kagabi, nararamdaman kong gustong lumapit sa akin ni Jeoffrey. Umiinom siya ng beer. Tingin nang tingin sa akin. Pero, hindi ko siya hinayaang makalapit sa akin. At, nang mauna akong makapag-perform agad akong pumasok sa office ni Boss Rey para hingiin ang bayad ko.
Si Boss Rey, nababaliw pa rin sa akin. Hindi man niya sabihin, nakikita ko naman ang malagkit niyang mga titig. Nakakaasiwa. Pati sa harap ko ay nakatingin.Naka-fit pa naman akong pantalon.
Bago pa mademonyo ang utak niya, lumabas agad ako pagkabigay sa akin ng isanglibo.
Pagdating ko sa bahay, gising pa sina Mommy at Daddy. Nag-movie marathon daw sila habang wala ako. Enjoy na lang ang nasabi. Kailangan ko naman kasing mag-Facebook.
“I’m waiting for you...” Iyan ang status update ni Dindee. Andaming nag-comment. Pero, wala siyang reply.
Alam ko, para iyon sa akin. Na-realize ko, sinusubukan niya lang ako. Maaaring galit nga siya, pero mahal niya ako.
S**t!
Hindi ako dinalaw ng antok. Andaming bumagabag sa isip ko. Si Dindee. Si Jeoffrey. Si Riz. Lahat! Lahat ng mga taong mahalaga sa akin.
Kanina, tawag ni Riz ang gumising sa akin. Alas-nuwebe na iyon. Kailangan pala naming bumalik sa PNU.
Mabigat man ang katawan ko, bumangon ako at naghanda. In short, nagkita kami doon. So far, okay na. It’s a long process, pero kaya naman. Sure hits naman na makakapasok kami as education students. Thanks sa backer at sa recommendation ng school.
“Meryenda tayo!” yaya ko kay Riz, paglabas namin ng PNU.
Pumayag naman siya. Pero, wala siyang idea kung saan ko siya dadalhin. Basta sumakay kami ng jeep.
Sa isang food chain, burger, fries, spaghetti, at float ag inorder ko.
“No..” Nanginginig siya nang hawakan niya ang burger. Hindi niya ito mabuksan. “No... Red, hindi!” Bumagsak ang burger. “Sorry! Hindi ko kakainin iyan. Iuuwi mo na lang.” Pailing-iling pa siya. Natataranta.
“Bakit, Riz? Anong problema?’’
“Wala, Red. May naalala lang ako. Sorry. Excuse me.” Tumayo siya at pumunta sa toilet.
Antagal niya Roon. Halos maubos ko na ang pagkain ko, wala pa siya. Pilit ko namanG inalam ang naalala niya.
Ang slow ko! P**a! Ang pangyayari pala bago siya na-rape! S**t! Bakit napaka-insensitive ko?!
“Sorry, Riz! Hindi ko sinasadya. Sorry. Gusto mo, sa iba na lang tayo?” Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin.
“Hindi na. Okay na ako rito sa fries at spaghetti. Itago mo na lang ‘yan. Sorry rin kung masyado akong naging maarte.”
“No. Don’t say that. Hindi pagiging maarte ang tawag d’yan. Naging traumatic talaga sa ‘yo ang pangyayari. Next time, I’ll be sensitive.” Hinawakan ko pa ang kamay niya at pinisil.
Nginitian niya ako.

Naawa ako kay Riz. Hindi siya maalis sa isipan ko.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...