Followers

Saturday, April 25, 2015

Premonisyon

Halos antagal kong di nakapanuod ng TV dahil sira ang sa amin. Kaya naman, aliw na aliw akong manuod habang naghihintay ng barko na magdadala sa akin sa Caticlan port. Noon ko lang nalaman ang eksaktong petsa ng laban nina Pacquiao at Mayweather. Pero, imbes na ma-excite ako dahil malapit na, kinabahan ako.

Ang patalastas kasi ay parang nagsasabing ang laban nila ay magiging bahagi na ng history. Hindi naman ako propeta para sabihing may mamamatay sa labang iyon ngunit tila iyon ang naramdaman ko pagkatapos ng palatastas. Masyado kasing harsh at madilim ang pagkakadeliver nito. May demonyo akong nakikita sa screen na animo'y humahalakhak.

Sinabi ko iyon sa aking ina, isang buwan ang lumipas. Aniya, huwag ko daw hilingin iyon spagkat marami ang malulungkot. Marami kasi ang gagastos para makapunta sa arena o para makapanuod ng laban. Ang sagot ko naman ay grabe kasi ang pagpromote nila. Hindi naman talaga ito sports dahil may nasasaktan. Ginagawa na nilang sugal. Gusto ko pa sanang sabihin na natutuwa si Taning sa ganitong gawain.

Nag-agree ang aking ina sa aking tinuran. Dagdag pa niya, inaalis na nga daw sa sports ang boxing. Hindi na ako nagkomento. Basta nasabi ko na ang premonition ko. Magkamali man ako, mas makakabuti iyon sa dalawang magkatunggaling boksingero. Kabaligtaran kapag nagkatotoo. Pero, mapapatunayan ko ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...