Followers

Wednesday, April 1, 2015

BlurRed: Paratang

Pinapunta ko sa bahay si Jeoffrey. Susubukan kong pagkatiwalaan siyang muli. Isa pa, parang marami pa siyang dapat ikuwento sa akin tungkol kay Dindee. Alam ko, sa maikling panahon na sila ay nagkakilala, marami na silang napagkuwentuhan. At, ngayong malayo na si Dindee, naniniwala akong makakakuha ako ng impormasyon tungkol sa kanya.
                Alas-tres ng hapon nang dumating siya sa bahay. Inasikaso ko kaagad siya at pinakitaan ng hospitality. Naging mabilis din ang paghahanda ni Mommy ng aming meryenda. Kaya, habang kumakain, isang seryosong kuwentuhan ang nangyari.
                "Mahal na mahal ko siya. Akala niya lang hindi dahil kay Riz. Si Riz naman ay kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. Biktima siya ng rape, kaya tumutulong ako para maka-recover siya. Kahit paano ay nakakatulong naman ako," litanya ko. Gusto kong makarating iyon kay Dindee dahil iyon naman ang totoo.
                "Bro, hindi iyon mauunawaan ni Dindee. Ang alam niya lang, hati ang atensyon mo sa kanilang dalawa. Hindi lang unang beses siya nagselos. Madalas, Red."
                Gusto kong magalit kay Jeoffrey. Bakit niya nasasabi ang mga
Ito? Hindi naman totoo ang paratang niya o kung si Dindee man talaga ang nagsabi nito. Never kong pinagselos si Dindee.
                "Hindi 'yan totoo, Jeoff!" Tumayo ako.
                "Noong nabugbog ka, anong dahilan? Noong araw na na-rape si Riz, sino ang huling nakasama niya? Paano mo ipapaliwanag ang mga iyon?"
                "Ang labo, Bro! Hindi mo ako maiintindihan dahil kailan ka lang ba dumating sa buhay namin ni Dindee?"
                Natahimik kaming pareho.
                "Bakit mo ako pinapunta rito?" Mahinahon siya.
                "Sorry... Ibig kong sabihin, huwag mo naman sana akong husgahan. Kaibigan mo kaming pareho ni Dindee, kaya sana tulungan mo kaming magkabalikan, hindi ‘yong…"
                "Oops! Teka! Makinig ka. Tumutulong ako sa inyo. Kaya nga ipinapaalam ko sa iyo ang bawat pinag-uusapan namin ni Dindee sa text. Nasa sa 'yo 'yan kung paano mo tatanggapin ang mga sinasabi niya. Basta ako, walang dagdag, walang bawas. Wala naman akong mapapala, ‘di ba?"
                "Okay! Pasensiya na."
                Natahimik uli kami. Alam kong naasar din sa akin si Jeoffrey, kaya umisip ako ng paraan para makabawi ako sa kanya.
                "Kalimutan muna natin 'to. Tara, video game tayo!" masayang yaya ko sa kanya.
                Nakipaglaro naman siya sa akin, kaya lang isa oras lang. Kailangan na raw kasi niyang umuwi para sa praktis nilang banda.
                Sayang! Hindi ko naitanong kung ano ang dapat kung gawin

para mapatawad ako ni Dindee. Hindi bale, next time na lang.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...